Home Headlines Prusisyon balik sa kalsada sa Bataan

Prusisyon balik sa kalsada sa Bataan

3033
0
SHARE

Nanguna sa prusisyon si Fr. Roderick Miranda, IFI-Samal parish priest. Kuha ni Ernie Esconde


 

SAMAL, Bataan — Makalipas ang halos dalawang taon dahil sa pandemya, balik sa kalsada ang prusisyon tulad sa bayang ito kung saan ginanap ito Miyerkules ng gabi bilang paggunita sa Feast of the Immaculate Conception.

Pinangunahan ni Fr. Roderick Miranda, parish priest ng Iglesia Filipina Independiente sa Samal, ang kauna-unahang prusisyon sa palibot ng ilang barangay sa kabayanan mula nang magkaroon ng kinatatakutang coronavirus disease.

Marami ring debotong lumahok sa prusisyon ngunit mapupunang sumusunod sila sa health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Marami ring nakaabang sa mga gilid ng kalsada dahil sa kasabikan ng mga tao na muling makakita ng prusisyon na bago ang pag-atake ng Covid- 19 ay talagang nagpapahabaan ang mga Katoliko at Aglipayano.

Dahil sa pandemya, may mga ginanap na prusisyon ngunit lulan ang mga mangilan-ngilang tao at pati pari at ilang Imahen ng mga sasakyan at hindi tulad sa karaniwang prusisyon tulad nitong gabi na naglalakad, nagdarasal at may hawak ng nasindihang kandila ang mga tao.

Tulad ng dati, lulan ang mga Imahen sa magagandang karo na napapalamutian ng mga bulaklak at nagniningning sa liwanag. At tulad ng mga nakaraan mayroong banda ng musikong tumutugtog.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here