Protesta ni Josie kay Alvarado ipinadedeklarang abandonado

    437
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagpaliban kamakalawa ng Commission on Elections (Comelec) ang paglilipat ng mga ballot boxes sa Bulacan patungo sa bodega ng Philippine Postal Corporation (Philpost) sa Maynila.

    Ito ay dahil sa isang mosyon na naglalayon na madeklarang abandonado ang protesta ni dating Bulacan Gob. Josie Dela Cruz laban sa kasalukuyang gobernador na si Willy Alvarado. Ito ay matapos na italaga kamakailan bilang post master general si Dela Cruz  sa Philpost.

    Kaugnay nito, nagpahayag ng duda si Alvarado sa naunang desisyon ng Comelec second division na nag-aatas na ilipat ang mga balotang iprinotesta ni Dela Cruz sa bodega ng Philpost na nirerentahan ng Comelec.

    Batay sa isang pahinang order na ipinalabas ng Comelec second division kahapon, ipinagpaliban ang paglilipat ng balota mula Bulacan patungo sa bodega ng Philpost.

    Ang mga balota ay ililipat sana noong Lunes batay sa atas ng Comelec second division noong Hulyo 12.

    Ang mga nasabing balota ay magmumula sa mga lungsod ng Malolos, Meycauayan, at San Jose Del Monte, at mga bayan ng Obando, Bocaue, Baliuag, Bustos, Pandi, Sta. Maria, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Marilao at Guiguinto.

    Ayon kay Lucenito Tagle,  ang presiding commissioner ng Comelec’s second division, ang pagpapaliban ay kaugnay ng mosyon ng kampo ni Alvarado na na ideklarang abandonado ang protesta ni Dela Cruz.

    Ayon sa mosyon ng kampo ni Alvarado, itinalaga si Dela Cruz sa isang permanenteng posisyon sa gobyerno kaya dapat maging moot and academic ang protesta. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here