Home Headlines Protesta laban sa ML ginanap sa gate ng BNPP

Protesta laban sa ML ginanap sa gate ng BNPP

493
0
SHARE
Photos courtesy of Kilusan-Bataan

MORONG, Bataan — Isang maiksing protesta at pag-aalay ng kandila ang inilunsad ng ilang kabataan sa ika-50 taon ngayong Miyerkules ng Martial Law sa gate ng Bataan Nuclear Power Plant dito.

Ayon kay Derek Cabe ng Kilusan – Bataan, mga kabataang kasapi sa Young Bataeños for Environmental Advocacy Network, Youth for Nationalism and Democracy- Bataan at Nuclear-Free Bataan Movement-Youth ang nagsagawa ng pagkilos.

“Ito ay bilang patuloy na pag-alala sa sakripisyo ng mga kababayan natin na nag-alay ng kanilang kabataan at buhay sa pagkilos laban sa BNPP na isa sa malaking proyekto ng Marcos regime noon,” sabi ni Cabe.

Photos courtesy of Kilusan-Bataan

Ito rin, aniya, ay upang ipaalaala ang malalang paglabag sa karapatang pantao at inhustisya sa panahon ng batas miliar na idineklara noong Setyembre 21, 1972.

“Ang pagkilos ay upang ipagpatuloy ang paglaban sa mga porma ng pagbabago sa ating kasaysayan hinggil sa Martial Law at mga misinformation kaugnay sa BNPP,” sabi pa ni Cabe.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here