Home Headlines Proklamasyon ng mga nanalo sa NE

Proklamasyon ng mga nanalo sa NE

758
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Ipinroklama na ng provincial board of canvassers sina 3rd District Rep. Rosanna Vergara at dalawa nitong kapartido sa pagka-bokal nitong Martes.

Sa pangunguna ni provincial election supervisor Atty. Jonalyn Sabellana, idineklara ng PBC si Vegrara na muling nahalal sa botong 160,298.

Kasama niya sina reelected board member Jojo Matias at incumbent Cabanatuan City councilor EJ Joson bilang kinatawan ng ikatlong distrito sa sangguniang panlalawigan.

Tinalo ni Vergara sa pagka kongresista si incumbent Gov. Czarina Umali. Sa panahon ng kampanya ay inulan ng batikos si Vergara sa kanyang pagpabor sa kontrobersyal na Rice Tariffication Law.

Pero naniniwala ang mambabatas na nakita ng kanyang mga ka-distrito ang kanyang mga nagawa dahilan para muli syang mahalal.

Pinasalamatan naman niya si Gov. Umali dahl nagpokus aniya ito sa plataporma.

Nito ring Martes nang pormal na ipahayag ng provincial board of canvassers ang panalo sa pagka kongresista ng 4th District Nueva Ecija ni Dra. Maricel Natividad-Nagaño.

Sa pagbilang ng PBC, si Nagaño ay nagkamit ng 137,829 na boto, higit na mataas kaysa sa 125,666 na nakiha ni incumbent Rep. Magnolia Antonio at 1,769 ni Bondong Punongbayan.

Ayon kay Nagaño, malaking bagay para sa kanyang trabaho bilang mambabatas ang kanyang karanasan bilang dating alkalde ng Gapan City.

Bilang duktor ay umaasa rin siyang makatutulong sa pagbuo ng implementing rules and regulations o IRR para sa bagong Universal Health Care Law.

Naantala ang proklamasyon ng iba pang provincial winners dahil hinihintay pa naman ang reconfigured SD cards mula sa mga bayan ng Aliaga, Cuyapo, Talavera, Rizal, Gen. Tinio at Cabiao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here