Home Headlines Produkto sa kape, cacao, niyog, ibinida

Produkto sa kape, cacao, niyog, ibinida

200
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga: Ibinida ng Department of Trade and Industry ang mga produktong gawa sa kape, cacao at niyog sa dalawang araw na  Likha ng Bataeño Cocanut Trade Fair sa Walter Mart, isang mall  dito,  simula Biyernes.

Ayon kay Eileen Ocampo, OIC DTI provincial director, 20 magsasaka/MSMEs na gumagawa ng mga produkto ng kape, cacao at niyog ang kalahok sa trade fair na magtatapos sa Sabado.

Maraming mapagpipiliiang produkto na likha sa iba-ibang panig ng Bataan tulad sa mga bayan ng Dinalupihan, Orani at Samal ang ibinebenta

May  coco peat, suman sa lihiya,  cacao nibs, tablea de cacao, virgin coconut oil, coco jam, coffee Koop Blend, bukayo macapuno, iba-ibang klase ng kape, buko pie, fresh buko juice, kakanin biko, atsara, cashew nuts, macaroons, buko filled cassava cake.

Mayroon ding sweetened coconut strips, cassava cake, buchi with sauce, kalamay gabi at iba pang uri ng kalamay, roasted peanuts, bagoong na isda with coconut cream, peanuts and bukayo, muffins, cacao nibs cookies, cacao coffee, bukayo espesyal, pinasarap na suka mula sa coconut, walis tingting, at iba pa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here