Home Headlines Problema sa basura ng San Simon kung saan itatapon

Problema sa basura ng San Simon kung saan itatapon

112
0
SHARE

1.
Bakit ba tila mainit ang mata ng taga MENRO?
sa masaya at payapa na barangay STO. NINO
ang MRF ay balak na naman na itayo rito
gayong ito’y TINUTULAN na noon ng mga tao
dati ay sa PULONG IPIL nila nais na ipwesto
ngayo’y sa GOVERNMENT CENTER naman nila pinaplano
2.
Taong 2021 pa nagsimula ang usapin
na basura’y itatambak sana sa may PULONG IPIL
residente’y nagkaisa upang ito ay pigilin
kung kaya’t hindi natuloy ang proyekto ay nabinbin
ang KAPITAN ng barangay dati ay tumututol din
kaisa ng MAMAMAYAN na ito ay sansalain
3.
Ngunit ang ihip ng hangin diumano ay naiba
ngayon si ex KAPITAN DONG sa isyu ay tahimik na
di katulad noong araw na siya pa ang NANGUNGUNA
upang ang nasabing pook di tapunan ng BASURA
pananaw niya ay nagbago simula ng mapasama
sa grupo ni mayor JP ang kanyang kandidatura
4.
kaya’t ang mga barangay kagawad na ang UMAKSIYON
sa paanyaya ng MENRO lahat sila ay TUMUGON
noong nakaraang buwan napag-usapan sa SESYON
ang problema sa basura sa may bayan ng SAN SIMON
hiling ni MARVIN MIRANDA sa Sto. Nino itapon
ngunit ang BARANGAY COUNCIL sa kanya’y di sumang-ayon
5.
Pwede namang magtayo ng MRF sa ibang lugar
halimbawa’y sa SABANA na wala pang kabahayan
o sa mga BUKID kaya na hindi na natatamnan
na di MAKAKA-APEKTO sa sino mang mamamayan
sapagkat ang mabaho at maruming KAPALIGIRAN
ay pangunahing banta sa aspeto ng KALUSUGAN
6.
Ang MATERIALS RECOVERY FACILITIES ay maganda
lalo kung ang mga tao ay mayroong DISIPLINA
kung susundin proseso sa pagtatapon ng BASURA
ay gagaan ang trabaho ng mga KUMOKOLEKTA
dahil pag ang nabubulok at ang hindi’y pinagsama
mga BASURERO naman ang labis na magdurusa
7.
Huwag din naman hahayaang MAGDUSA
ang mga tao
lalo na ang residente ng barangay STO. NINO
wala namang tumututol sa magagandang PROYEKTO
na pinangangasiwaan nitong LOKAL NA GOBYERNO
ang pinakamahalaga’y hindi makaka-APEKTO
at para sa KAPAKANAN ng maraming PILIPINO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here