Pro-VFA rally sa ‘Gapo

    399
    0
    SHARE

    Martsa. Ang mga nag-rally hawak ang streamers at placards ng suporta sa VFA at EDCA. Kuha ni Johnny R. Reblando

    OLONGAPO CITY —
    Nagkaisa ang iba’t-ibang may-ari ng business establishments, ambulant vendors at mga drivers sa paglunsad ng rally at motocade sa lungsod na ito upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at Amerika.

    Ayon kay Rustico Fajardo, tumatayong coordinator ng grupong Pro-VFA at EDCA, pabor at sinusuportahan nila ang mga kasunduan at ayaw nilang mawala ang mga Amerikano sa ating bansa dahil malaking tulong ito lalo na sa mga business sector sa lungsod kapag nagsasagawa sila ng kanilang rest and recreation.

    Dugtong pa ni Fajardo na dapat na manumbalik ang sigla ng negosyo sa loob at labas ng Subic Freeport. Aniya, malaki ang nawala sa hanay ng mga taxi driver na halos 100 porsiyento nang walang kinikita mula nang hindi na pinayagan makadaong sa Subic ang barko ng mga Amerikano.

    “Dati ang kinikita namin sa pagmamaneho ng taxi ay isang libo hanggang dalawang libong piso, pero ngayon mag-iisang linggo na kaming walang kinikita”, dugtong pa ni Fajardo. Nagpahayag naman ang ilang hotel at restaurant owners na umaabot sa 30 porsiyento ang ibinaba ng kanilang kinikita mula nang hindi na dumaong ang mga barkong pagdigma ng Amerika sa Subic.

    Ang rally ay nagsimula sa Rizal Triangle patungo ng Subic Freeport main gate bago nagmotorcade patungo sa Barangay Barretto kung saan naghihintay ang mga grupo ng mga negosyante na sumusuporta sa Pro-VFA at EDCA.

    SHARE
    Previous articleDeath penalty
    Next article7 pushers huli

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here