‘Privatization’ ang epektibong solusyon

    482
    0
    SHARE

    (Karugtong ng isyung lumabas noong Mierkoles, Aug. 8, na di naipadala ng inyong abang lingkod sa e-mail sanhi ng ng ‘brown-out’ at malaking baha sa kanilang lugar, na nagdulot pati ng kapinsalaan sa kanyang computer).

    Ya’y napag-usapan ng dalawang lider
    sa Heroes Hall ng lungsod nang i-‘turn-over’
    ni ‘Nanay’ kay Oca ang bagong ‘deliver’
    na ‘garbage truck from the provincial government’,

    Bilang pang-antabay na rin ni Governor
    kay mayor Oca sa pagpursigi nitong
    mabigyan din n’yan ng agarang solusyon
    ang problema, gaya ng kanyang intensyon

    Na mapanatiling ang kapaligiran
    ay malinis at kahaya-hayang tingnan;
    ligtas sa sakit ang mga mamamayan
    sa isang lipunan na ginagalawan.

    Na pinaka-pangunahing ‘priority’
    sa ‘program on health’ ng ating ‘Nanay Baby,’
    dangan nga lang ‘her plans had been negatively
    affected by poor sanitation so dearly.

    At kung saan sanhi na rin kadalasan
    nitong nagtatapon tayo kahit saan,
    natural lamang na kapag tumagal yan
    at di nakolekta babaho ang lugar.

    (Idagdag pa itong walang patumangga
    nating pagtatapon sa ilog at sapa,
    yan kapag nagbara ay tiyakang baha
    ang dulot sakalit umulan nang bigla).
     
    Di lingid sa lahat na ang ‘annual budget’
    ng probinsya, ibang bayan, mga ‘cities
    can’t afford disposing of non-segregated
    garbage of their own in sanitary landfills.

    Kaya marapat lang sa puntong nasabi
    itong mungkahi ng ating ‘Nanay Baby’
    na ang bawat ‘household’ sa bayan at city
    ay mag-segregate na hangga’t maari.

    Kung yan ay nagawa sa isa ng ‘1st Class’
    na bayan,  gaya ng munisipalidad
    ng Apalit ano’t di magawa’t sukat
    sa iba pang lugar at/o komunidad?

    Kung saan di pa man pinairal itong
    mungkahi ng ating butihing Governor,
    ipinag-utos na ng kanilang Mayor
    sa nasabing bayan itong ‘segregation’

    Ng ‘solid waste’ bago pa man ipatupad
    ng pamahalaan itong Republic Act
    No. 9003 – kaya kita agad
    sa Apalit ang pagka-iba sa lahat.

    Mayor Jun Tetangco disclosed that in effect
    of what he said proper segregation of waste,
    had allowed barangays to earn from their garbage
    that could settle their bills for all their street lights.
     
    Pero sa kabila n’yan ani Tetangco
    ay gumagastos pa rin ang munisipyo
    ng kinse milyones sa basura nito
    kahit nakatipid na sila ng husto.

    Sa pamamagitan nga ng ‘segregation’
    ng ‘solid waste’ nila, na kung saan itong
    puedeng magamit pa at/o ‘recyclable’
    Ay ibinubukod sa dapat itapon. 

    Kung nakayang gawin ng taga Apalit
    Ang pagse-segregate para makatipid,
    At ang lugar pati ay maging malinis,
    Ano’t di magawa natin kahit pilit?

    Idagdag pa natin ang ‘privatization’
    Ng ‘solid waste management’ na gustong-gustong
    Ipakontrata na lang ng Gobernador,
    Ligtas tayong lahat sa grabeng polusyon!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here