MAKABULUHAN at lubhang mahalaga
itong ‘Summit’ na pinangunahan nina
Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda
at Vice Governor “Delta” nitong Pampanga.
Kung saan ang naging paksa ng nasabing
‘Summit or conference’ ay kwenta updating
nitong pagsugpo sa drug addiction pa rin
at iba pang dapat na matutukan din
Upang kung hindi man lubos masawata
sa lalong madaling panahon ika nga,
Yan paunti-unti lilipas ding kusa
kapag ginabayan ng ganap na tiyaga.
‘Preventive maintenance’ ang isa sa dapat
isulong upang ang lango na ang utak
sa bawal na gamot ating mailigtas
sa pamamagitan ng wastong pag-rehab.
At para ma-detect itong kung sino r’yan
sa nag-surrender na ang hinihinalang
di pa rin tumigil sa katarantaduhan,
gawan na natin ng mabisang paraan.
At drug test ang suhestyon ng Kapitolyo
na pinaka-the best na unang remedyo,
upang masagip sa pagkalulong piho
ang ating Kabalen sa lintik na Shabu.
(Kaysa ipakulong ng ating gobyerno
at pakainin ng libre sa presidio,
ang nakararaming drug addicts na ito,
na nasa bingit na ngayon ng impyerno).
Mas mabuti-buti dito sa Pampanga
kumpara sa ibang bayan at probinsya
ang kalagayan ng lulong na sa droga
dahil maagap si Governor Pineda
Sa pag-asikaso at pagkilos agad
upang ang anumang problema malutas
nang maaga kaysa kumbaga sa silab,
malaki na bago kumilos ang lahat.
Pero kumpara sa ibang lalawigan,
(partikular na r’yan sa parteng Bulakan)
Ang atin higit na maliit ang bilang
ng mga pushers at users na napatay!
Nang dahil na rin sa higit na marami
marahil ang mga protectors din pati
sa iba pang lugar… kung kaya’t posible
na ang casualties d’yan ay higit ang dami?
At ang isa pa riyang nakababahala
ay kung bakit itong nag-surrender na nga
at nangakong di umano gagawa
ng labag sa batas, pero hayan yata
At patuloy pa ring sa ganyang iligal
na aktibidades ang mangilan-ngilan,
kaya kung di natin sila tututukan
kailan pa natin yan mapagbagong tunay?
Kaya tama lamang ang ating Governor
at si Vice Guv sa ninanais isulong;
Na ang pangunahin umanong solusyon
ay dili’t iba nga ay preventive measures!
At upang ang ganyan ay di lumala
at humantong sa pagkapariwara,
agapan upang di na maging sugapa
sa droga – ang lipi nitong Inangbansa!