Presyo ng pangunahing bilihin, mahigpit na binabantayan ng DTI

    392
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY-Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga presyo ng pangunahing produkto (prime commodities, matapos na isailalim sa state of calamity ang Olongapo City at Subic, Zambales dahil sa matinding epekto ng habagat.

    Ayon kay DTI Provincial Director Leonila T. Baluyut, dapat silang magsagawa ng pagbabantay sa mga presyo ng pangunahing bilihin alinsunod sa “Suggested Retail Price (SRP)” tulad ng mga de lata, tinapay, kandila, kape, noodles at iba pang produkto sa ilalim ng supervision ng DTI para maiwasan ang gagawing pananamantala ng mga negosyante na magtaas ng preso ng bilihin sa kabila ng dinanas na kalamidad sa Olongapo City at Subic, Zambales.

    Nagbabala din si Baluyut sa mga negosyante na ang mga mahuhuling magtataas ng presyo na wala sa itinakdang SRP ay may kaukulang parusa at multa.

    Bilang tugon ng DTI sa mga naapektuhang residente ng kalamidad, nakatakdang pagkalooban ng mga “cutting at sewing machine” ang tatlong samahan na gumagawa ng basahan sa Barangay New Cabalan, Olongapo City bilang bahagi ng kanilang livelihood project.

    Ayon kay Baluyut, ginugunita ang buwan ng Oktubre bilang “Consumer Welfare Month” kung saan sasailalim ang lahat ng market master sa Olongapo at Zambales sa isang seminar na may kaugnayan sa Fair Trade Laws.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here