Home Headlines Presyo ng palay, bagsak

Presyo ng palay, bagsak

398
0
SHARE

ABUCAY, Bataan: Hindi lamang nagrereklamo kundi umiiyak sa sama ng loob ang mga magsasaka sa Bataan dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay.

Ito ang sinabi ngayong Martes ni Jeffrey Buco, rice trader mula sa Bulacan na namimili ng palay sa palibot ng Bataan, habang nagbibilad ng palay sa bayan ng Abucay.

Ang bagong aning ordinaryong palay na sariwa pa ay lumalakad, aniya, sa  P14 – P15 kada kilo ang presyo na kapag tuyo na ay P19 – P20 ang kilo.

Ayon sa rice trader, ang presyo daw noong nakaraang taon ay P23 – P24 kada kilo ng sariwang palay kaya malaki ang diperensiya kumpara ngayon na lugi ang mga magsasaka.

Kinumpirma ng magsasakang si Gil Dominguez ng Barangay Mabatang sa Abucay na P14 – P15 lamang ang halaga ng sariwang ordinaryong  palay.  “Sana ang gobyerno ‘yong magsasaka tulungan nila.”

“Totoong nagbibigay ng abono kaso mahal naman ang presyo ng ibang bilihin sa gamot, upahan sa tao. Mas mahal pa ‘yong upahan at presyo sa mga gamit sa palay kaysa sa pagbili  ng palay.  Mura ang kuha  ng palay samanantalang mahal ang presyo ng mga gamit sa bukid,” daing ni Dominguez. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here