Home Headlines Presyo ng bigas bumaba sa Bataan

Presyo ng bigas bumaba sa Bataan

718
0
SHARE
Babang presyo ng bigas. Kuha ni Ernie Esconde

LUNGSOD NG BALANGA — Bumaba ang presyo ng bigas ng mula P1 hanggang P9 ang bawat kilo sa mga tindahan ng bigas sa mga palengke ng Bataan tulad sa Abucay, Orani, at Balanga City, sabi ng mga rice retailers nitong Huwebes. 

Sa Abucay Public Market, sinabi ng mag-asawang Wilfredo Novero na ang supply ng bigas nila ay nagmumula pa sa Nueva Ecija. 

Ang dati, anilang, P53 ang kilo ng well-milled rice ay P45 na ngayon samantalang ang dating P55 ay P48 na lamang.

Sa mga tindahan sa Orani Public Market ay kapansin-pansin din ang pagbaba ng presyo ng bigas.

Ayon kay Aileen dela Cruz, ang dating presyong P53 isang kilo ay P48 na lamang ngayon samantalang ang dating P55 ay naging P53, ang dating P54 ay P52 at ang dating P54 ay P50 na lamang. 

Nanggagaling din umano sa Nueva Ecija ang bigas ni dela Cruz. 

Sinabi naman ni Donnave Panizales sa Orani Public market din na ang supply nila ng bigas ay sa Bataan lamang kinukuha.  Bumaba din, aniya, ang presyo ng benta nilang bigas. Mula sa P53 isang kilo, naging P45 na lamang at ang dating P55 ay P46 na lamang.  

Sa Balanga City Public market, ang ilang tindang bigas ni Marilou dela Rosa ay bumaba rin ang presyo ng mula P2 hanggang P3 ang bawat kilo. 

Ang dating P48 ay naging P45, dating P50 naging P48, dating P52 naging P49, dating P56 naging P54 at ang dating P58 naging P56. 

Nagpapasalamat ang mga rice retailers na sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development at Department of Trade and Industry ay nabigyan sila ng cash subsidy na P15,000. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here