Home Headlines Potensyal ng kalabaw tinututukan sa Bataan

Potensyal ng kalabaw tinututukan sa Bataan

705
0
SHARE

Provincial veterinarian Dr. Alberto Venturina (dulong kanan) at ilang opisyal ng Philippine Carabao Center at Central LuzonState University. Kuha mula sa Bataan LGU



LUNGSOD
NG BALANGA — Tinututukan ng provincial government ang pagpaparami ng kalabaw at maging paggatas sa mga ito upang maging dagdag na hanapbuhay ng mga magsasaka sa panahon ng pandemya.

Sinabi ni provincial veterinarian Alberto Venturina nitong Biyernes na ito ay sa tulong ng proyektong Alab Karbawan ng Philippine Carabao Center (PCC), Central Luzon State University (CLSU) at carabao-based enterprise development katuwang ang tanggapan ni Senadora Cynthia Villar.

Nagsasagawa umano ang grupo ng artificial insemination sa mga alagang kalabaw ng mga magsasaka sa iba’t ibang dako ng lalawigan.

“Bukod sa pagbibigay ng Karabull loan para mapataas ang bilang ng mga kalabaw sa Bataan, layon din ng proyekto na maparami ang mga magasasakang naggagatas ng kalabaw bilang hanapbuhay,” sabi ni Venturina.

Sa ilalim ng proyektong ito, ilang mga kwalipikadong magsasaka na ang sinanay ng mga kinatawan ng PCC at CLSU upang mapalawig ang kanilang kaalaman sa produksyon ng dairy milk.

Nakatanggap na rin ang ilang samahan ng mga kagamitan para sa kanilang hanapbuhay na paggagatas ng kalabaw.

Lubos ang pasasalamat ni Gov. Albert Garcia sa PCC at CLSU at sa mga local government unit na nakiisa para sa tagumpay ng proyektong ito.

“Malaking tulong ito sa ating mga magsasaka na lubhang naapektuhan lalo na ngayong panahon ng pandemya dulot ng coronavirus disease,” sabi ng governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here