Home Headlines Positibo sa Covid: 31 kadete, 3 empleyado ng navy facility

Positibo sa Covid: 31 kadete, 3 empleyado ng navy facility

596
0
SHARE

SAN ANTONIO, Zambales — Isinailalim sa lockdown ang Naval Education, Training and Doctrine Command (NETDC) ng Philippine Navy dito matapos magpositibo  sa Covid-19 ang 31 kadete at tatlong empleyado nito.

Naunang nagpositive noong Jan. 16, 2021 ang tatlong estudyante mula sa Cavite, Cebu at Muntinlupa at ang mga ito ay dinala na sa V. Luna Hospital sa Quezon City.

Ayon kay Dr. Noel Bueno, Zambales provincial health officer, may 26 pang estudyante ang isinailalim sa isolation at sumailalim sa RT-PCR test at 13 ang nagpositibo sa Covid-19.

Isa sa mga ito ay dinala sa V. Luna Hospital at ang 12 ay dinala sa quarantine facility ng NETDC sa Ninoy Aquino Stadium, Manila.
Ayon pa kay Bueno, sa isinagawang second generation contact tracing, may 65 na katao ang isinailalin sa swab test at 15 estudyante at tatlong empleyado sa mga ito ang nagpositibo sa Covid nitong Huwebes.

Dugtong pa ng health officer, taong 2019 pa nasa NETDC ang mga estudyante at hindi lumalabas ng compound kung kaya may duda itong mga nagdadala ng logistic sa loob ng NETDC ang posibleng may dala ng virus.

Samantala, matapos na magnegatibo sa Covid-19 ang may 22 estudyante ng Philippine Merchant Marine Academy sa bayan ng San Narciso, nakatakda ngayong Jan. 22 na sumailalim sa swab test ang may 70 katao sanasabing akademiya, kabilang na dito ang empleyado at estudyante.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here