Itong pagkatuklas ng taga city hall
Sa halos dalawang daang libong pisong
Hinihinala na posible sigurong
Nakaligtaan lang ng Administrator
O ni dating City Admin Allen Sison
Ay di simpleng bagay na maaring nitong
Balewalahin yan pagkat siya itong
Gumamit sa mesa na kung saan doon
Natagpuan ang pera habang nililinis
Ng ilang kawani itong Admn office,
Na dati’y tanggapan nga ng napaalis
Na ‘little mayor’ ng Lungsod ng Angeles.
At ya’y aksidenteng sa ‘drawer’ din mismo
Ng ex-City Admin nakita umano
Nitong ni ayaw ilantad sa publiko
Ang pagkakilanlan dahil takot ito.
Na baka sila ang mapahamak tuloy
Sa di sinasadyang pagka-tuklas doon
Ng ‘brown envelope’ na naglalaman nitong
Salaping aywan kung bakit naroroon..
Ang napakalaking halagang tulad n’yan
Na basta na lamang kusang iniwanan;
Kundi man posibleng nakalimutan lang
Ni Mark Sison kaya di nai-uwi yan?
Pero imposibleng makalimutan niya
Ang di barya lang na maaring ‘kinita’
Ng kanyang tanggapan sa isang kontrata,
Na di nahirapan sa pagpapapirma.
Itong nagregalo ng ganyang kalaki
Na marami na rin namang mabibili;
At kayamanan ng ating masasabi
Ng isang taong ang ‘lifestyle’ nito’y simple
At imposible rin namang yan ay perang
Suweldo lang ni Sison na nakalimutan
Nitong iuwi sa kanilang tahanan
Sa loob ng panahong napakatagal.
Anu’t-ano pa man sa naturang punto
Ya’y di maikakailang sa tanggapan mismo
Ng kanang kamay ni Blueboy o ni Nepo
Natuklasan itong daan-daang libo..
Liban sa posibleng pasinungalingan
Ng kampo ni Blueboy na di kanila yan,
Ang pupuede lamang nilang ikatuwiran
Ay baka ya’y kusang itinanim lamang
Ng kasalukuyang city Dad ika nga
Upang kina Blueboy lalong makasira;
Pero sino namang basta na lang kaya
Dito sa Angeles ang maniniwala?
Lalo’t ang dami ng iba’t-ibang tsismis
Na nagsasangkot sa City Mayor’s Office
Sa kung anu-anong sabi’y di malinis
Na transaksyon nitong Alkaldeng napalis..
Kung kaya marahil baon ang city hall
Sa utang nang ito’y lisanin ni Blueboy,
Gayong sapat naman ang kita sa ngayon
Ng siyudad mula sa tax na halos bilyon
Na ang koleksyon n’yan, kaya imposibleng
Baon sa utang ang ‘City of the Angels’
Nang panahong sina Blueboy at Mark Allen
Ang may hawak yata pati sa Treasurer.
Sa halos dalawang daang libong pisong
Hinihinala na posible sigurong
Nakaligtaan lang ng Administrator
O ni dating City Admin Allen Sison
Ay di simpleng bagay na maaring nitong
Balewalahin yan pagkat siya itong
Gumamit sa mesa na kung saan doon
Natagpuan ang pera habang nililinis
Ng ilang kawani itong Admn office,
Na dati’y tanggapan nga ng napaalis
Na ‘little mayor’ ng Lungsod ng Angeles.
At ya’y aksidenteng sa ‘drawer’ din mismo
Ng ex-City Admin nakita umano
Nitong ni ayaw ilantad sa publiko
Ang pagkakilanlan dahil takot ito.
Na baka sila ang mapahamak tuloy
Sa di sinasadyang pagka-tuklas doon
Ng ‘brown envelope’ na naglalaman nitong
Salaping aywan kung bakit naroroon..
Ang napakalaking halagang tulad n’yan
Na basta na lamang kusang iniwanan;
Kundi man posibleng nakalimutan lang
Ni Mark Sison kaya di nai-uwi yan?
Pero imposibleng makalimutan niya
Ang di barya lang na maaring ‘kinita’
Ng kanyang tanggapan sa isang kontrata,
Na di nahirapan sa pagpapapirma.
Itong nagregalo ng ganyang kalaki
Na marami na rin namang mabibili;
At kayamanan ng ating masasabi
Ng isang taong ang ‘lifestyle’ nito’y simple
At imposible rin namang yan ay perang
Suweldo lang ni Sison na nakalimutan
Nitong iuwi sa kanilang tahanan
Sa loob ng panahong napakatagal.
Anu’t-ano pa man sa naturang punto
Ya’y di maikakailang sa tanggapan mismo
Ng kanang kamay ni Blueboy o ni Nepo
Natuklasan itong daan-daang libo..
Liban sa posibleng pasinungalingan
Ng kampo ni Blueboy na di kanila yan,
Ang pupuede lamang nilang ikatuwiran
Ay baka ya’y kusang itinanim lamang
Ng kasalukuyang city Dad ika nga
Upang kina Blueboy lalong makasira;
Pero sino namang basta na lang kaya
Dito sa Angeles ang maniniwala?
Lalo’t ang dami ng iba’t-ibang tsismis
Na nagsasangkot sa City Mayor’s Office
Sa kung anu-anong sabi’y di malinis
Na transaksyon nitong Alkaldeng napalis..
Kung kaya marahil baon ang city hall
Sa utang nang ito’y lisanin ni Blueboy,
Gayong sapat naman ang kita sa ngayon
Ng siyudad mula sa tax na halos bilyon
Na ang koleksyon n’yan, kaya imposibleng
Baon sa utang ang ‘City of the Angels’
Nang panahong sina Blueboy at Mark Allen
Ang may hawak yata pati sa Treasurer.