Puwedeng sabihing unti-unti nang nalalapnos ang popularidad ng TVJ kaya nga nasa pangalawang puwesto na lang sila.
Kunsabagay kasi, kung tutuusin, matagal nang nawala sa eksena ang triumvirate ng mga komedyanteng ito. On his own, si Vic Sotto ang namayagpag na nagpakitang-gilas sa pamamagitan ng pagiging numero uno sa takilya sa tuwing film festival. As a solo actor, klik na klik talaga si Vic Sotto. Kumbaga, wala ng silbi pa sina Joey De Leon lalo na si dating senator Tito Sotto. May kanya-kanya na silang daigdig na ginagalawan at wala ng magic kung magkakasama silang tatlo.
Anyway, aral na ito kay Vic na siguro, sa susunod na festival, tatandaan na niyang kaya niyang mag-number one nang siya lang. Kung isasali pa niya sina Joey de Leon at Tito Sotto, makasisira lang sa kanyang box-office prowess yun.
Look, pati nga ‘yung mga nangalaos ng comedians, binuhay nila, pero wa epek din.
Kaya Bossing Vic, next time ikaw na lang mag-isa. Kayang-kaya mo naman ‘yan.
Hindi ba Ernie Enrile?