POPS FERNANDEZ: Money has never been an issue in my separation with Jom

    447
    0
    SHARE
    Although Pops Fernandez insists na hindi pera ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Jomari, unti-unting lumabas ang totoo tungkol dito. Maraming salita ang narinig naming na kung babasahin in between the lines, pera lang talaga at wala ng iba.

    For instance, Martin Nievera said something na hindi niya kinikilalang producer si Jomari although, natanggap na niya ito. Martin insinuates na pera ni Pops ang sosyo sa concert at hindi kay Jomari. “Masuwerte si Jomari, ginawa siyang boss ni Pops sa concert naming Missing You kahit na si Pops ang alam kong producer. Kumbaga, ayon kay Martin, Jomari is only the face na humarap sa mga tao at hindi niya pera ang sosyo sa naturang conecert.

    And if Martin knows that, alam din nitong iba pang malapit kay Pops.

    Could Jomari have been insulted by the set up?

    Samantala, nilinaw ni Pops Fernandez na hindi pera ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Jomari Yllana. 

    Walang katotohanan aniya ang  isyung  humiram ng  P500 thousand sa kanya  nu’ng   panahong  pino-produce nila ang  concert na Missing You.  

    Hanggang ngayon,  clueless daw si Pops kung bakit  nangyari ang break-up. Kasi nga , pagkatapos ng concert, misteryosong nawala na si Jomari at nitong Valentine’s Day na lang nag-surface. Obviously, ito yung missing link sa kanilang kuwento at sa missing link na ito, nagkatampuhan sila ang grabe at ang rason ay ayaw nilang banggitin. Dito nga papsok na pera ang naging kuwestyon sa tampuhan nila., hindi kaya?

    Sa panayam ng SNN kay Pops,  sinabi ng Concert Queen na naging masaya din daw siya sa piling ni Jomari at walang matinding away siyang naa-alala na naganap sa pagitan nila.

    Sa puntong ito, puro  ispekulasyon pa rin ang lumalabas tungkol sa hiwalayang Pops at Jom.

    Hindi pa rin malinaw kung may third party involved ba gaya ng mga bali-balita.

    In fairness kay Jom, he remains a gentleman.

    Malamang may mga bagay na gusto niyang sarilinin na lang. 

    Ito rin marahil ang dahilan kung bakit wala tayong naririnig na salita mula sa kanya.

    Well, may mga pagma-mahalang hanggang doon na lang talaga, ito marahil ang nangyari kina Pops at Jom.

    Some things are not just meant to last and we just have to accept it.

    Ayon sa manager ni Jomari, nagkaroon na ng closure ang kanilang love affair kung kaya irreconcilable na raw ito. 


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here