Marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ng ex-wife ni Martin Nievera sa leading-lady ni Alden Richards na si Maine.
Maganda rin siguro kung igi-guest ng “Eat Bulaga” sa kanilang Kalyesere segment si Pops na puwedeng palabasing long lost sister ni Maine na sosyal.
Walang kontrata si Pops sa alinmang TV network kaya malaya siyang makakapag-guest sa iba’t ibang TV station.
Speaking of Pops, napag-alaman namin na hiwalay na rin pala ito sa kanyang businessman boyfriend kaya balik sa pagiging single ang ina nina Robin at Ram Nievera.
Samantala, nanatiling close na magkaibigan ang estranged couple na sina Pops at Martin Nievera dahil na rin sa kanilang dalawang anak na sina Robin at Ram pero wala na silang pakialam pagdating sa kanilang personal na buhay.