Pooh insecure na komedyante?

    370
    0
    SHARE

    KAKARIRIN NA rin ni Pooh ang mga gagawin sa kanyang career ngayong taong ito. Aminado siya na nabigla rin siya sa mabilisang pag-ingay ng kanyang pangalan. Pero wala siyang insecurity na nararamdaman kahit na nga mas angat ngayon sa kanya si Vice Ganda.

    “Wala namang problema sa akin ’yon. Noon pa man, alam naming magaling talaga si Visceral (totoong name ni Vice). Never naman akong nakaramdam ng insecurity dahil hindi naman ako nawawalan ng trabaho!” rason
    ni Pooh sa grand presscon ng comedy shows ng ABS-CBN kung saan isa roon ang show na regular siya, ang Banana Split at Banana Nite.

    Sa cast ng gag show, tanging si Pooh lang ang bading kaya nagagawa niyang paglaruan ang character na ibigay sa kanya, bilang babae o bading. Eh, simula’t sapul ay naging bahagi na siya ng gag show kaya todo ang pasasalamat niya.

    “Lahat naman sila magagaling din, eh. Ako lang ang bakla rito kasi si Ryan (Bang), papunta pa lang! Ha! Ha! Ha!

    Pagdating sa ganda, pareho lang kami ni Angelica (Panganiban)! Ha! Ha! Ha!’ deklara ng komedyante. Sumikat si Pooh dahil sa impersonation niya kay Manny Pacquiao. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi lang ang paggaya kay Pacman ang kaya niyang gawin at nailalabas niya ito sa Banana Split at Banana Nite.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here