Political dynasty, ’di mapigilan

    421
    0
    SHARE
    KAHIT showbiz ang pinagmulan, hindi maikakaila na ang mga Ejercito-Estrada ay destined din na maging public servants.

    Si dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada ay naging alkalde ng San Juan bago naging senador hanggang maging Pangulo. Ngayon, nagsisilbi siya bilang mayor ng Manila.

    Dalawa ang anak na senador ni Mayor Erap, sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. JV Ejercito. Pamangkin naman ng dating Pangulo sina dating Laguna Governor E. R. Ejercito at ang aktor na si Gary Estrada na nahalal na Board Member ng Quezon Province. Konsehal naman ng San Juan ang apo ni Mayor Erap na si Janella Ejercito, panganay na anak nina Sen. Jinggoy Estrada at Precy Vitug-Ejercito. Mayor naman ngayon ng San Juan si Mayor Guia Gomez, ina ni Sen. JV Ejercito.

    Mayor naman ng Pagsanjan, Laguna ang misis ni E.R. Ejercito na si Maita Sanchez.

    Showbiz din ang pinagmulan ng Bautista-Revilla clan na sinimulan ng dating actor-turned senator na si Ramon Revilla, Sr. Sumunod sa kanya ang dalawa niyang anak na sina Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr. at Strike Revilla (mayor ng Bacoor, Cavite) at maging ang kanyang apo (kay Sen. Bong Revilla) na si Jolo Revilla (anak nina Sen. Bong at Bacoor Rep. Lani Mercado) ay vice governor ng Cavite.

    Dating governor ng Rizal at ngayon ay mayor ng Antipolo si Jun-Jun Ynares, mister ng nakababatang kapatid ni Sen. Bong Revilla na si Andeng Bautista-Ynares.

    Kahit marami ang umu-oppose, mukhang malabo pa ring mawala ang tinatawag na`political dynasty’ sa Pilipinas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here