Di pa nagsimula itong campaign period
Para sa halalan sa taong susunod,
Pero ang dami na nitong nag-iikot
Na kandidato r’yan sa lahat ng sulok;
At di lang marahil libu-libong piso,
Ang nasasayang sa ganitong estilo
Ng nakararami nating pulitiko,
Kundi milyones na sa panahong ito.
Kaya bago pa man sumapit ang takdang
Petsa o deadline ng campaign period bilang,
Baon na ang ilan sa pagkakautang
Lalo’t ang sati n’yan ay maikli lamang.
Kaya di malayong yan ay magbabawi
Sa nagasta, kapag pinalad magwagi;
At sa kabang bayan isisingil lagi
Ang nilaspag – na di kakaunting salapi.
At posibleng bago ang takdang tungkulin
Ay pagka-kuartahan lang ang haharapin
Bunsod ng hangaring agad makasingil,
At di kung papano maglilingkod sa ‘tin.
Wala na ba tayong paraang maisip
Upang ang paid broadcast at iba pang gimik
Ay mabawasan at magtakda ng limit,
Upang ang lahat na ay makatitipid?
Sa napakagastos na pangangampanya,
Na nagiging sanhi ng corruption tuwina;
(Pagkat sampung taon mang sasahurin niya
Sa pagka-halal ay lugi pa rin siya.)
Maraming paraan upang makamenos
Ang lahat-lahat na sa malaking gastos;
Isa na… itong pagsasamahing lubos
Sa iisang lugar ang lahat ng “billboard;”
Na kung saan nakasulat ang pangalan
Ng mga tatakbo para sa nasyunal;
Nang hiwalay sa listahan ng panglokal,
Sa magkabukod na billboard o posters d’yan.
Na malapit lamang sa mga presinto,
Itong posters area, at kung saan mismo
Ang pangalan ng bawat kumandidato
Ay madaling makikita ng publiko.
Magkakasama sa isang billboard lamang
Ang para sa pagka-Pangulo at Bise n’yan,
Ang mga Senador at Partylist bilang;
At Kinatawan ng bawat distrito r’yan.
Standard ang sukat ng bawat larawan
Na nakalagay sa billboard na naturan;
Pupuedeng magtayo ng pang-indibidual,
Pero may “standard size” na dapat sundan.
Sa ganyang sistema, lahat pantay-pantay,
Mapa-mahirap o saksakan ng yaman;
At mawawala na itong pabonggahan
Ng kung anu-anong klasing infomercial.
Kung isasabatas at lilimitahan
Na ng gobyerno ang gastos sa halalan;
At gobyerno na rin ang kwenta tatangan
Sa ‘political ads” na kinakailangan.
At kung nanaisin natin ang parehas
Na halalan ngayo’t sa araw ng bukas,
Ito na ang pinaka-mabisang lunas
Upang ang lamangan ay maputol ganap!
Para sa halalan sa taong susunod,
Pero ang dami na nitong nag-iikot
Na kandidato r’yan sa lahat ng sulok;
At di lang marahil libu-libong piso,
Ang nasasayang sa ganitong estilo
Ng nakararami nating pulitiko,
Kundi milyones na sa panahong ito.
Kaya bago pa man sumapit ang takdang
Petsa o deadline ng campaign period bilang,
Baon na ang ilan sa pagkakautang
Lalo’t ang sati n’yan ay maikli lamang.
Kaya di malayong yan ay magbabawi
Sa nagasta, kapag pinalad magwagi;
At sa kabang bayan isisingil lagi
Ang nilaspag – na di kakaunting salapi.
At posibleng bago ang takdang tungkulin
Ay pagka-kuartahan lang ang haharapin
Bunsod ng hangaring agad makasingil,
At di kung papano maglilingkod sa ‘tin.
Wala na ba tayong paraang maisip
Upang ang paid broadcast at iba pang gimik
Ay mabawasan at magtakda ng limit,
Upang ang lahat na ay makatitipid?
Sa napakagastos na pangangampanya,
Na nagiging sanhi ng corruption tuwina;
(Pagkat sampung taon mang sasahurin niya
Sa pagka-halal ay lugi pa rin siya.)
Maraming paraan upang makamenos
Ang lahat-lahat na sa malaking gastos;
Isa na… itong pagsasamahing lubos
Sa iisang lugar ang lahat ng “billboard;”
Na kung saan nakasulat ang pangalan
Ng mga tatakbo para sa nasyunal;
Nang hiwalay sa listahan ng panglokal,
Sa magkabukod na billboard o posters d’yan.
Na malapit lamang sa mga presinto,
Itong posters area, at kung saan mismo
Ang pangalan ng bawat kumandidato
Ay madaling makikita ng publiko.
Magkakasama sa isang billboard lamang
Ang para sa pagka-Pangulo at Bise n’yan,
Ang mga Senador at Partylist bilang;
At Kinatawan ng bawat distrito r’yan.
Standard ang sukat ng bawat larawan
Na nakalagay sa billboard na naturan;
Pupuedeng magtayo ng pang-indibidual,
Pero may “standard size” na dapat sundan.
Sa ganyang sistema, lahat pantay-pantay,
Mapa-mahirap o saksakan ng yaman;
At mawawala na itong pabonggahan
Ng kung anu-anong klasing infomercial.
Kung isasabatas at lilimitahan
Na ng gobyerno ang gastos sa halalan;
At gobyerno na rin ang kwenta tatangan
Sa ‘political ads” na kinakailangan.
At kung nanaisin natin ang parehas
Na halalan ngayo’t sa araw ng bukas,
Ito na ang pinaka-mabisang lunas
Upang ang lamangan ay maputol ganap!