POLICE ROUND-UP
    MRC nangholdap ng gasolinahan

    298
    0
    SHARE

    CASTILLEJOS, Zambales— Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng Castillejos PNP para matukoy ang mga suspek na nangholdap sa isang gasolinahan sa Barangay San Nicolas sa bayang ito.

    Batay sa salaysay nina Eva Anciano at Kevin Omopia, empleyado ng Solane Gas Haus, binibilang nila ang kanilang kinita ng biglang sumulpot ang dalawang motorcycle-riding criminal at nagdeklarang “ Hold-up ito, huwag kayong tatakbo at huwag kayong sisigaw”.

    Nagawa pang makahingi ng saklolo si Anciano at nagsisigaw ng “Tulong- tulong, may naghoholdap sa amin” habang patuloy na nililimas ng mga suspek ang pera na kinita ng gasolinahan. Tinangay ng mga suspek ang P1,950 petty cash at tatlong cellphones na nagkakahalaga ng P8,000.

    Ang mga suspek ay mabilis na tumakas sakay ng isang single motorcycle na walang plate number.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here