WALANG kaduda-dudang sikat na sikat ngayon ang seryeng The Legal Wife ng ABS-CBN dahil ditto hinango ang titulo ng bagong comedy fi lm ni Pokwang and Zanjoe Marudo under Skylight Films na My Illegal Wife at tulad ng ipinapakita sa trailer, ginaya nila ang mga dialogue sa nasabing drama series.
Pero ayon kay Direk Enrico Santos, executive director ng Skylight Films, four years ago pa ang materyal na ito para kay Pokwang.
Sa movie, hindi lang The Legal Wife ang ini-spoof ng cast kundi pati na rin ang ibang StarCinema movies tulad ng eksena ni Bea Alonzo na “girl in the rain” sa She’s The One, confrontation ni Toni Gonzaga and Piolo Pascual sa It Takes a Man and a Woman, “amazing” scene nina Kim Chiu and Xian Lim sa Bride for Rent at marami pang iba.
Pati nga si Nora Aunor ay ini-spoof ni Pokwang. Natanong nga si Zanjoe kung ano ang reaksyon ni Bea sa spoof ng “girl in the rain” scene at say ng aktor, tuwang-tuwa ang girlfriend.
At take note, may love scenes din dito sina Pokwang and Zanjoe. “Malala ang suot ko ru’n, pero very gentle lang naman ang mga naganap,” say ni Pokwang.
Sabi naman ni Zanjoe, maghapon yatang kinunan ‘yun kaya maghapon silang nasa kama. “Buong araw kaming magkasama sa kama. Naka-tanga lang siya. Buong araw kaming naka-ganu’n lang,” kwento ni Zanjoe.
Say ni Pokwang, kung saan-saan napunta ang kamay niya, pero wala raw pakialam si Zanjoe. “Plantsa-plantsa. Naplantsa ko lang,” sabi ni Pokwang. Kumusta naman ang pamamalantsa niya?
“Keri, keri,” sabi ni Pokie kaya tawanan lahat. Ano naman ang pakiramdam ni Zanjoe? “Okay lang naman kasi kasama talaga sa eksena,” he said. Ano ang pinakatodong ginawa ni Pokwang sa kanya?
“Helicopter,” mabilis na sagot ni Zanjoe. Asked to explain kung ano ang helicopter, sabi ng aktor, “May ganu’ng eksena talaga na nag-ispaghetti pababa siya sa akin.”
Sabi naman ni Pokwang, “Bumaba ako nang bumaba.” Hahaha! Anyway, sa seryosong usapan, ayon kay Zanjoe, sobrang kumportable siya with Pokwang dahil paglabas pa lang niya ng Pinoy Big Brother, nakatrabaho na niya ito.
“Mamang” ang tawag niya sa komedyana. Asked kung posible bang ma-in-love siya sa isang katulad ni Pokwang in real life, say ng aktor, posible.
“Walang problema sa hitsura ni Pokwang. Talaga lang inuuna niya ang pamilya niya, kapatid niya, anak niya, naka-focus siya do’n siguro kaya… (walang boyfriend). Pero hindi malayong… (magustuhan ng isang lalaki). Ang dami-daming nanliligaw dito.
“Ang dami-daming nagkakagusto. Siguro, hindi lang niya talaga pinagpapapansin. Hindi, hindi malayong mahalin si Mamang. Unang-una sa ugali, tapos, ang sexy pa ng katawan,” papuri pa ni Zanjoe na ikina-flatter naman ng komedyana.
Showing na sa June 11 ang My Illegal Wife mula sa direksyon ni Tony Reyes. Kasama rin samovie sina Empoy Marquez, Joy Viado, Pooh, Edgar Allan Guzman, Beauty Gonzalez, Mykilla Steven at Anita Linda.