Sobrang nakaka-relate si Pokwang sa kanyang role sa Aryana bilang isang ina na nawalan ng anak dahil hindi naman kaila sa lahat na na-experience na niya ito in real life nang bawian ng buhay ang kanyang anak noong time na hindi pa siya artista.
“Sobrang lapit sa akin ng role — isang nanay na nawalay sa kanyang anak. May mga linyang ’pag binabasa ko pa lang, nadudurog na ako.”
May eksena nga raw siya rito na muntik na niyang hindi kayanin dahil sa sobrang sakit.
“’Yung hindi kami kinikilala ni Tonton (Gutierrez na gumaganap na kanyang asawa), kumbaga, umiiwas na si Tonton sa akin, hindi niya kinikilalang anak namin si Aryana, ayaw niyang maniwalang anak namin.
“’Yung sa akin kasi, ’di ba, ’yung mga anak ko, parang abandoned children din, so, ang sakit naman ng ganito, ’di ba?” pahayag pa ni Pokwang.
Pero kahit mahirap ang role niya, sobrang excited at masaya ang komedyana na muli siyang mapapanood sa primetime slot matapos ang matagal-tagal ding panahon.
Okay lang naman daw sa kanya kahit matagal siyang hindi napanood sa primetime dahil may maganda raw naman palang inihahanda para sa kanya at ito nga ang Aryana.
Aminado si Pokey na may adjustment din on her part since ilang taon din siyang nasa pangtanghaling programa.
“Kumbaga, ang tagal kong nag-noontime, after work, uwi ka na. Pero ito, talagang ang kalaban mo ay puyat.
Inisip ko na lang ’yung mga tao sa paligid ko na napapagod din. Mas malaki pa suweldo ko sa kanila, pero sila, nandiyan, buhay na buhay, so, parang nakakahiya naman. Sila ’yung hinuhugutan ko.
“Saka masaya ako, kesa naman walang trabaho.”
Aminado siyang nami-miss niya rin ang noontime show pero sobrang thankful siya na hindi siya pinababayaan ng ABS-CBN.
Bukod sa Aryana na magsisimula na sa May 7, regular din siyang napapanood sa Toda Max.
Sa pelikula naman ay mayroon siyang ginagawa ngayon under Star Cinema, ang D’ Healing with no less than Batangas Governor Vilma Santos and Kim Chiu.