LUNGSOD NG MALOLOS – Habang nalalapit ang Bagong Taon patuloy ang pagtitinda ng paputok sa Bulacan, ngunit nagbabala ang pulisya na kukumpiskahin nila ang itinitindang paputok ng walang permiso.
Ngunit para sa mga nagtintinda, naghahanap buhay lamang sila at hindi dapat gambalain ng pulisya.
“Iisa ang kumuha ng permit sa amin para magtinda ng paputok sa Malolos,” ayon kay Supt. Baltazar Mamaril, ang hepe ng pulisya sa nasabing lungsod.
Nagbabala siya na lahat ng mga nagtitinda ng walang permit ay maaaring arestuhin at ang paninda ay kukumpiskahin.
Nilinaw ni Mamaril, na ang pagtitinda ng paputok ay may mga alituntuning dapat sundin.
Isa rito ay ang lugar na pinagtitindahan na dapat ay designated pyrotechnics zone na malayo sa mga residential areas.
Ngunit para sa mga nagsisipagtinda ng paputok, hindi sila dapat gambalain ng pulisya dahil sa naghahanap buhay lamang sila ng parehas.
Bukod dito, sinabi nila na isang pabor na rin sa mga mamimili ng kanilang ginagawa, dahil sa halip na sa makigpagsiksikan ang mga ito sa pagbili ng paputok sa Bocaue ay maaari silang makabili sa lugar na malapit sa kanila tulad ng palengke.
Dahil sa nalalapit na ang Bagong Taon ay nagsulputan din ang mga maliliit na tindahan sa ibat-ibang bayan sa Bulacan.
Gamit ang mga lamesang maliliit ay nakapwesto ang mga ito sa harapan ng kani-kanilang mga bahay na tila garage sale.
Sa kabila ng maliit na pamumuhunan ay tumutupad pa rin umano ang ilan sa fire safety tulad ng sa Bocaue.
May fire extinguishers din sila upang pamatay sunog sakaling magkaroon ng aberya sa kanilang panindang paputok.
Mahigpit ding ipinatutupad dito ang no smoking at no testing upang masiguro na hindi magkakaroon ng aberya.
Hindi rin umano sila nagbebenta ng paputok sa mga bata kundi mga lusis lamang.
Ayon kay Michael Jayson Joson, may sampung taon na siyang nagtitinda ng paputok ngunit sa taong ito ay sobrang tumal o mahina pa rin ang kanilang benta samantalang ilang araw pa lamang ay sasapit na ang Bagong Taon.