Home Headlines PNP-CSG nag-inspeksyon sa mga tindahan ng paputok

PNP-CSG nag-inspeksyon sa mga tindahan ng paputok

1101
0
SHARE

Pinangunahan ni Maj. Gen. Jesus Cambay, Jr. ang inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue upang maseguro ang ligtas na bentahan at paggamit nito. Contributed photo


 

BOCAUE, Bulacan — Nagsagawa ng inspeksyon ang Philippine National Police-Civil Security Group sa mga tindahan sa firecracker selling area sa Barangay Turo dito.

Ayon kay PNP-CSG director Maj. Gen. Jesus Cambay, Jr., layunin ng inspeksyon ng kapulisan na alamin kung nakakasunod ang mga tindahan sa mga probisyon ng kanilang permit partikular ang firecraker safety.

Sa bawat tindahan ay binubusisi ng CSG ang mga dokumento ng bawat firecracker stall. Inaalam din kung may nagbebenta dito ng mga imported at mga malalakas na uri ng mga paputok na ipinagbabawal.

Nagpapa-alala din sa mga nagtitinda na bawal magbenta ng paputok sa mga menor de edad.

Namigay din ang kapulisan ng mga fliers na naglalahad ng mga importanteng impormasyon hinggil sa paggamit ng mga firecrackers at mga pyrotechnic devices.

Sa kabuuan ay nakakasunod naman daw sa alituntunin ang mga nagtitinda ng paputok sa Bocaue maliban sa health protocols.

Samantala, mabenta na ngayon ang mga paputok at pailaw sa Bocaue partikular sa Barangay Turo na common firecracker selling area.

Ngunit papaubos na daw ang mga tinda dito sa ngayon dahil sa kakaunti na supply.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here