LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Ikinalat na ang 10,557 personnel ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa mga barangay ng Central Luzon para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan para sa paparating na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ang simultaneous multi-agency send-off and turnover ceremony ng security forces and resources para sa 2023 BSKE ay ginanap din sa Camp Olivas parade grounds Oct. 23.
Pinangunangahan nina Commission on Elections-Regional 3 director Atty. Temie Lambino,m PRO-3 director Gen. Jose Hidalgo Jr. at 7th Infantry Division commander Maj. Gen. Andrew Costelo ang deployment ng mga kawani mula sa PNP Regional Office 3, HPG, Philippine Coast Guard, AFP, at Bureau of Fire Protection.
Ayon sa PNP at Comelec, bilang bahagi ng demokrasya ang pagpapadala ng mga personnel sa rehiyon para maseguro na maayos at tahimik ang magaganap na halalang pambarangay.