PNoy, namahagi ng relief goods sa NE

    285
    0
    SHARE
    CABANATUAN CITY – Pinangunahan ni Pangulong Aquino ang pamamahagi ng relief good sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Lando sa Nueva Ecija nitong Lunes ng hapon.

    Dumating ang pangulo kasama ang ilang miyembro ng gabinete sa pangunguna ni Department of Social Welfare Sec. Dinky Soliman na nagdala ng 7,000 relief packs na kinabibilangan ng bigas, canned foods, kape’t asukal, noodles at non-food items na tulad ng kumot at mga gamit sa kusina.

    Magkasamag sumalubong sa kanila sina Gov. Aurelio Umali at Cabanatuan City Mayor Julius Cesar Vergara na kapwa lokal na lider ng Liberal Party ngunit magkalaban sa pulitika.

    Bandang alas 4:30 ng hapon nang dumating ang pangulo sa Nueva Ecija High School kung saan nakalikas ang 204 na pamilya na kabilang sa halos 8,000 indibidwal na naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng bagyong Lando noong Linggo.

    Ayon kay Aquino nasa 8,000 barangay sa iba’t ibang lalawigan ang nanganganib sa banta ng rumaragasang tubig na naipon sa halos isang linggong pag-ulan.

    “Now, the challenge with a lot of our countrymen is that, they don’t seem to see the amount of rain it is pouring, they think it is safe already to go back to their communities but we are preventing them right now because the expectations from tonight and after tomorrow, are a lot of this rainfall that fell on the northern portion of Luzon will be coming down and will be affecting all of these barangays near the major river systems,” sabi ni Aquino sa maikling panayam ng mga mamamahayag.

    Tinitipon pa aniya ng gobyerno ang lahat ng impormasyong upang mabatid ang kabuuang halaga ng nasirang kabuhayan sa pananalasa ng bagyo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here