Nahalal kamakailan ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na manunungkulan para sa taong 2009.
Nahalal na Pangulo ang movie scribe at kolumnistang si Roldan F. Castro, para sa una niyang term sa posisyon.
Ang iba pang nahalal na opisyal ng club, tulad ni Castro, ay manunungkulan para sa napiling posisyon sa PMPC sa unang taon, tulad nina: Melba Llanera (Bise-Presidente), Jose “Boy” Romero (Ingat-Yaman/Treasurer), at Aaron Domingo (Auditor).
Bilang Kalihim (Secretary) ng club, muling nahalal si Mell Navarro, na maglilingkod para sa naturang posisyon sa ikaapat na taon. Gayundin si William Reyes, na na-reelect bilang Press Relations Officer (PRO) para sa ikalawa niyang termino.
Na-reappoint naman sina Mildred Bacud (Pangalawang Kalihim/Asst. Secretary) at Jimi Escala (Pangalawang Ingat-Yaman/Asst. Treasurer), kasama ang iba pang bumubuo ng PMPC Board of Directors, tulad nina: Joe Barrameda at Fernan De Guzman, mga dating Pangulo ng PMPC; Rommel Galapon, dating Bise-Presidente; John Fontanilla, Rodel Fernando, Sandy Es Mariano, at Robert Pangis,
Mapayapa, bagama’t matindi ang naging pagtugon ng mga miyembro ng PMPC para sa iba’t ibang posisyon na ninais. Halos lahat ng posisyon ay pinagtunggalian ng dalawa o mahigit pang kandidato.
Subalit nagkakaisa ang mga miyembro at mga nahalal na bagong opisyales sa taong 2009 na higit sa pagkakamit ng posisyon sa club, ay ang pagkaunawa sa kahalagahan ng posisyon at kaakibat na responsibilidad na kailangang gampanan, sa ikapagtatagumpay ng samahan.
Naisatinig ito ng bagong halal na Pangulo, bilang pasasalamat sa pagkakaluklok niya sa posisyon, at paniniwalang magiging positibo ang mga bagay-bagay, kaugnay ng pamamalakad niya sa PMPC.
“Sa tulong po ninyo at suporta, at lubusang pakikiisa sa mga layunin, magiging maayos ang lahat para sa PMPC sa taong ito,” sabi ni Roldan Castro.
Matapos mahalal ang bagong pamunuan, binuo rin ng bagong PMPC Board ang iba’t ibang Committees, kabilang ang mga mamumuno at miyembro, para sa iba’t ibang layunin at proyektong isasakatuparan ng club.
Unang-una na rito ang PMPC Star Awards for Movies 2009, na tinatayang magiging tunay na malaking event, dahil ipagdiriwang ang ika-25 taon ng pagpaparangal sa taong ito.