BALIWAG, Bulacan — Isinasagawa nitong Sabado ang plebisito para sa pagiging lungsod ng nasabing bayan.
Nagsimula ang botohan ganap na alas-7 ng umaga na magtatapos ng alas-3 ng hapon. Manual ang botohan at agad na gagawin ang bilangan matapos magsara ang mga presinto.
Nakakalat din ang kapulisan sa mga eskwelahan para panatilihin ang kaayusan ng botohan.
Sa pagtaya ni Commission on Election chairman George Erwin Garcia, matatapos ang bilangan ng plebisito hanggang alas-onse ng gabi. Nasa 100,000 ang registered voters ng nasabing bayan at umaasa ang ahensya na papalo ang boto ng 60% hanggang 70% ng actual na mga boboto.