Playgirls pasasayahin ang Muntinlupa Bilibid Prison inmates

    530
    0
    SHARE
    Hindi natanggihan ng Playgirls’ manager na si Michael ‘Quiukie’ Tupaz ang alok sa kanya ng mga nag-organisa ng isang special show para sa inmates ng New Bilibid Prisons in Muntinlupa.

    Ipagdiriwang kasi worldwide ang National Correction Consciousness Day at bilang culminating activity ay gagawin ang special presentation para sa pasayahin ang mga nakalulong doon.

    Unang nakita sa Facebook ng event coordinator ng pagdiriwang ang Playgirls photos at sabi niya sa amin, nabighani siya rito.  “Sana pumayag sila, tutal naman maganda ang cause na gagawin namin, “ sabi pa nito nang hingan kami ng tulong.

    Hindi naman nga kami nagdalawang–salita kay Michael who also believes in a lot of relevant causes para sa kapwua-tao.

    “Kung makatutulong ang Playgirs sa pagpasaya sa kanila, why not, sige po, game kami.”

    So it’s a date, sa October 29, kakantahan, sasayawan at patatawain ng Playgirls ang mga inmates sa naturang kulungan.

    Bukod sa Playgirls, magtatanghal din ng isang special sexy fashion show ang anim na naggagandahang bikini models.

    Ang show ay mula sa auspices ng mga sumusunod:

    PSOI Gerry C. Salamat, Chief Overseer; Ramon Reyes, Penal Superintendent 11; PIS Celso Bravo, Asst. OIC; Rodrigo Mercado, Asst. Director for Prison Security; Teodora M. Diaz, Asst. Director for Administration & Rehabilitation; Bureau Of Prisons Director Ernesto L. Diokno and Gov. Jonathan Binayug.

    Assisting them are: Bonel Ilas, Jun Aradunas, Jr. and Sam Alfonso.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here