Home Headlines Plastic dividers sa jeepney inihahanda sa GCQ

Plastic dividers sa jeepney inihahanda sa GCQ

988
0
SHARE

Balot sa plastic, panlaban sa Covid ang disenyo ng pampasaherong jeepney. Kuha ng CPOSCO



LUNGSOD NG SAN FERNANDO —
 Ipinakita ng City Public Order & Safety Coordinating Office ang posibleng disenyo ng model jeepney upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 sakaling ipatupad na ang general community quarantine sa May 16 dito.

Ang disenyo ng jeepney ay may plastic dividers na maghaharang sa bawat pasahero at palatandaan sa upuan para mapanatili ang social distancing.

Paghahanda na daw ito ng lungsod para sa transportasyon ng jeepney sakaling ipatupad dito ang GCQ matapos ang extended enhanced community quarantine na inaasahang matatapos sa May 15.

Sa ilalim kasi ng GCQ ay papayagan ang operasyon ng mass transport system para makapagsilbi sa mga essential workers papasok at pabalik ng mga trabaho.

Ayon kay CPOSCO chief Louie Clemente, sisiguruhin nila na sila ay nakasunod sa guidelines ng Department of Transportation na nagsasabing kalahati lamang ng seating capacity ng jeepney ang papayagan.

Inaasahang nasa 700 units ng mga pampasaherong jeep ang magagamit ng publiko dito kung ibababa na ang ECQ sa GCQ.

Aminado naman ang jeepney operator na si June Castro na apektado ang kanilang kita sa sistemang ito sa ilalim ng GCQ ngunit magtitiis na lamang daw sila kaysa hindi sila tuluyang makapamasada.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here