Pirma sa recall pineke daw

    279
    0
    SHARE
    LUNGOD NG MALOLOS — Inilabas na ng Commission on Elections-Bulacan ang resulta ng isinagawang verification of signatures kaugnay sa recall petition laban kay Bulacan Gov. Willy Sy Alvarado.

    Ayon sa Comelec officers mula sa 249,177 contested signatures ay 181,201 o 72.7 percent ang fraudulent habang 67,959 o 27 percent lamang ang pabor sa petisyon.

    Sinabi ni Comelec Regional Director Atty. Temie Lambino, lumalabas na ang malaking porsiento ng pirma sa petisyon ay “falsified.”

    Isusumite nila sa ODEDO ang ruling na ito habang ang Comelec En Banc pa rin naman aniya ang magdedesisyon hinggil dito.

    Ayon naman kay Atty. Pete Principe, ang lead counsel ni Alvarado, ang ruling na inilabas ng Comelec ay nagpapatunay na walang batayan para mag-recall elections sa Bulacan.

    Nanggugulo lamang aniya ang mga petitioners sa maayos na kalagayan ng lalawigan.

    Umalma naman ang kampo ng mga petitioners sa resulta na ito ng verification of signatures at umapela na daw sila sa Comelec En Banc para ibasura ang ruling ng election officers.

    Ayon kay Perly Mendoza, isa sa mga petitioners, wala daw silang nakuhang patas na trato mula sa mga election officers sa Bulacan.

    Aniya, hindi peke ang mga pirma sa petisyon at marami pang mga valid signatures ang hindi sinama ng election officers sa kanilang ulat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here