Piolo-Toni tinalo ang box-office record ni Vice Ganda

    298
    0
    SHARE

    DAHIL SA higanteng tagumpay ng Starting Over Again, bilang pasasalamat ay nag-blow-out si Toni Gonzaga sa entertainment press by having a thanksgiving presscon.

    Hindi alam ni Toni ang exact fi gures ng gross ng movie na hanggang ngayon ay humahataw pa rin sa box-office pero ang nakarating sa aming balita, close to P400M na raw ang kinikita ng pelikula.

    Say ni Toni, hindi raw talaga nila ito ine-expect at ang wish nga lang nila even before the showing, maka-P100M lang ay okay na sa kanila. “Actually, ang target lang namin talaga ay kumita ang pelikula.

    Sabi nga nila, makalampas lang ng P100M, okay na ’yun, kasi nga, iba ’yung timpla ng pelikula. Mabigat na light na lalabas ka ng sinehan na parang pinag-isip ka niya, parang iisipin mo ang nangyari sa buhay mo di ba? Na, ‘o, naka-relate ka ba?’ ‘sino ka sa tatlo?’ ’di ba?” pahayag ni Toni.

    Maging sa U.S. pala ay humataw sa takilya ang pelikula at nasulat pa. “Oo, kasi talagang lumaban daw sa box-offi ce doon. Nagulat sila, na parang this newcomer Filipino movie making waves daw in the U.S. Tapos, 52 cinemas lang, naka-$150,000.00,” masayang wika pa ng dalaga.

    Sa ngayon kasi, ang may hawak ng record ng highest box-office sa local movies ay ang pelikula ni Vice Ganda last December na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na umabot sa P420M. Kasalukuyan pang showing ang Starting Over Again at hindi malayong malampasan nila ang kinita ng GBBT.

    Pero ayon kay Toni ay hindi naman daw niya iniisip ’yun at love daw niya si Vice Ganda.

    “Natutuwa nga ako sa kanya kasi nagpa-block screening siya (for SOA), so sabi ko, first time na may gumawa sa akin ng ganu’n. Na-touch ako talaga,” say ni Toni. She added, “mahal ko naman si Vice, pero kung lalampas, eh, magkaibigan pa rin kami.

    At anu’t anuman ang mangyari, hindi ’yun makakaapekto sa pagkakaibigan namin. At malaki na ang napatunayan ni Vice. Sa kanya na ‘yung tronong phenomenal talaga.”

    May bonus na bang ibinigay ang Star Cinema? “Oo, ikadadamdam ko kung wala,” natatawa niyang say.

    “Sasakit ang loob ko (kung walang bonus), sa pinagdaanan ko sa pelikula. Ako na lang ang hihingi. Kung hindi man nila bigay, hihingin ko.”

    Sa ngayon ay pag-uusapan pa raw nila ng Star Cinema kung ano ang next movie niya. Kung lalagyan ba ng part 2 ang movie o iba naman. “May nakalatag na talaga akong next na gagawin. Pero dahil nga dito sa movie, hindi ko pa alam kung ano ang magiging plano. Kasi magmimiting pa.”

    When asked kung sino ba ang gusto niyang makatrabaho pa or maging leading man, say ni Toni, gusto raw sana niya ay matuloy na ang naudlot na pagsasama nila ni Vic Sotto.

    When asked kung magagawa pa ba niyang ulitin ang love scene na katulad ng ginawa niya with Piolo Pascual sa SOA, say ni Toni ay baka hindi na raw at baka maloka na raw talaga ang parents niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here