Piolo Pascual mahilig mang-away ng babae

    489
    0
    SHARE
    Isa sa mga pintas kay Piolo Pascual ay ang sobrang attitude niya.  Kalalaking tao niya, nakikipagmagalingan ito sa mga babaing artista na naging leading lady niya sa tv man o sa  pelikula. Kumbaga, hindi nawawala yung feeling superstar na mentalidad ni Piolo Pascual.

    Sa totoo lang, wala naman daw siya sa matuwid na dapt ngang maging ganito ang attitude niya dahil of late lagi naman daw flop ang mga projects niya.

    Kagaya nga nung sa kanila ni Angel Locsin, na nag-flop na ang Lobo, flop pa ring ang To Love Again na inaasahan pa naman sanang parehong magpapasok ng malaking salapi sa kaban ng yaman ng ABS-CBN.

    Hindi rin daw nag-hit yung Manila something niya dahil nga pinakamahina ito sa mga indie movies na naipalabas sa Cinemalaya. Kumbaga, hanggang feeling star lang si Piolo pero sa katotohanan, wala na’ng kanyang star value at bunga nga nito, hindi na siya pinanonood ng mga tao. Nilalangaw na si Piolo kaya dapat na magbago na siya ng pananaw sa kanyang career.

    Hindi ba, Alfie Lorenzo?

    At heto pa, mukhang dumarami ang katampuhan ni Piolo Pascual. Una si Judy Ann Santos na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakabati. Balita ng mga sekretarya ko, pati si Claudine Barretto pala ay may tampo rin sa kanya. Ayaw mang sabihin ni Claudine ang dahilan ng kanyang pagtatampo, sinabi niyang hindi ito dahilan para mauwi sa galit ang kanyang nararamdaman.

    Ano ba PJ hindi mo ba ito aayusin? Ke totoo man o tsismis, ikaw ang dapat umayos nito dahil ikaw ang lalaki. Kung may problema kay Juday, eh si Claudine man lamang, magawan mo ng remedyo para mawala ang tampo sa iyo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here