Piolo Pascual kapatid lang ang turing kay Shaina Magdayao

    333
    0
    SHARE

    “We always go out as groups. We watch movies, we train together, pero I guess, si Shai na nga nagsasabi na she enjoys her singlehood, so steady lang,” say ni Papa P.

    Ano ang tine-train nila?

    “Badminton, bikram, takbo,” he said.

    Ayon kay Piolo, good friends lang daw talaga sila ni Shaina.

    When asked kung puwede bang mag-lead ang friendship na ito into something else, say niya, “that’s something you don’t want to broadcast, you don’t wanna preempt. Kasi kung may mga ganu’n man, mahirap din sa showbiz, it’s easily prejudged.”

    Pero aware ba siya na gustong ligawan ni Sam Milby si Shaina?

    “Matagal na ’yun, nauna pa si Samuel sa akin. And they’re friends, and we’re also friends. Sam is a good friend.”

    So, paano ’yun, baka maging magkaribal pa sila?

    Natawa si Piolo at say niya, “basta magkapatid kami.”

    Sa ngayon, ayon sa aktor ay wala siyang oras na pumasok sa isang relasyon dahil nga sa kanyang trabaho.

    “’Yun nga, eh, siguro kasi nga masyado akong kasal sa trabaho ko na people siguro misconstruded, you know.

    Kasi nga wala tayong oras sa ganu’n, eh. Kung anak ko, ’di ko mabigyan ng oras, what more ang relationship, ’di ba? Mas gusto ko na lang magtrabaho at magpahinga,” he said.

    So, kelan niya binabalak na maghanap ng babaeng ihaharap sa altar?

    “I wanna be able to settle down siguro within the next four years. I told myself about it, sabi ko, I will only get married when he’s 18. He’s already 16. Siyempre, hinahanda ko rin ang bata kasi gusto niyang mag-artista.”

    Nagkasundo raw sila ni Inigo na tapusin lang niya ang highschool at kung gusto raw talaga nitong mag-artista, papayagan niya.

    “Basta tapusin lang niya ang highschool. Incoming second year na siya. Sabi niya mag-aaral pa rin daw siya ng college, pero performing arts pa rin ang kukunin,” kuwento ni Piolo.

    Pag pumasok sa showbiz si Inigo, in a way ay baka um-exit na raw siya at nandiyan na lang para suportahan ang anak.

    Samantala, masayang masaya ang aktor sa mataas na ratings ng Apoy sa Dagat teleserye nila nina Angelica Panganiban at Diether Ocampo. Ayon sa aktor ay marami pang magagandang eksenang mapapanood sa serye kaya patuloy itong subaybayan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here