Piolo Pascual di mapatumba ng malalaswang isyu

    443
    0
    SHARE

    Naging mainit ang KC-Piolo break up pero bilasa na ito ngayon dahil natabunan na ng eskandalo nina Mo Twister at Rhian Ramos.

    Kahit na nnga sumawsaw na si Mark Bautista saying na di na dapat pinapansin yung isyung siya raw ang dahilan ng break up, lumamig na ito at ngayon nakatuon sila sa Mo-Rhian scandal.

    Hindi na gaanong pinag-uusapan ang breakup issue nina Piolo Pascual at KC Concepcion dahil sa biglang pagsulpot ng abortion issue ni Rhian Ramos at ang mga kontrobersyal na pahayag ni Mo Twister tungkol dito.

    “Patalbugan talaga sila ng isyu, huh! Hindi pa nag-iinit ang Piolo-KC issue, pero humabol na agad sina Mo at Rhian. ’Yan tuloy, parang natabunan na ’yung kina KC at Piolo. Ha-ha-ha!” comment ng isang showbiz insider.

    Marami ang nag-abang sa magiging pahayag ni Mo sa Paparazzi last Sunday, pero na-disappoint sila. Hindi nito sinipot ang naturang talk show at ayon sa mga hosts nito, iginagalang nila ang privacy ni Mo.

    “Kunsabagay, karapatan ’yon ni Mo. Proteksyon nila ’yon kay Mo, eh. Ang nakakalungkot lang, binabanatan nila si Piolo, pero dedma sila sa isyu ni Mo. Unfair, ’di ba? Well, ganyan talaga sa showbiz, huh!” obserbasyon pa niya sa nangyayari.

    “’Yung ibang host ng showbiz-oriented talk show, sana nire-respeto rin nila si Piolo at ang pananahimik nito tulad ng pagrespeto nila sa ipinangangalandakan nilang “privacy” ni Mo. Ha-ha-ha!” komento pa ng isang showbiz insider na obviously ay maka-Piolo.

    Samantala, marami ang nakabasa ng isang article ni Piolo sa broadsheet at sinang-ayunan nila ito. Kumalat din ito sa networking sites at puro like ang nasabing write up. Isang indikasyon ito na buo pa rin ang respeto nila kay Piolo.

    Kunsabagay, hindi naman ito ang una’t huli niyang pagkakataong naging hot item sa showbiz pero despite of it, okey pa rin ang aktor at lalo pang nagiging maganda ang takbo ng kanyang karir.

    “Piolo is Piolo kahit pa anong mangyari. Hindi talaga nawawala ang kanyang karisma sa tao at fans,” huling komento pa niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here