Home Headlines Pinsala ng 4 na bagyo sa agrikultura abot P10-B, ayuda tiniyak ng...

Pinsala ng 4 na bagyo sa agrikultura abot P10-B, ayuda tiniyak ng DA

728
0
SHARE

Agriculture Secretary William Dar



PULILAN, Bulacan — Sa loob lamang ng tatlong linggo ay aabot na sa P10
billion ang naging pinsala sa agrikultura sa bansa ng mga bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses.

Ito ang pahayag ni Department of Agriculture Secretary William Dar nang kanyang personal na bisitahin Biyernes ng umaga ang bukirin sa bayang ito na isa sa mga pininsala ng nakaraang bagyuhan.

Tiniyak ni Dar na sa kabila ng mga pinsala, may sapat na stock na bigas ng bansa na tatagal ng 90 araw.

Paliwanag niya na sa buong Luzon ay tinatayang nasa P2.6 billion ang agricultural damage nitong bagyong Quinta, P5.6 billion naman kay Rolly, at sa bagyong Ulysses ay nasa P104 million na maaari pang umabot sa P1 billion.

Aniya, sa kabuuan ng bansa ay nasa P9 billionhanggang P10 billion ang agricultural damages dahil sa kalamidad sa loob lamang ng tatlong Linggo.

Payo ni Dar sa mga magsasaka na sana bago dumating ang mga bagyo ay kung maaring anihin na ng mga ito ang mga pananim at gayundin sa fisheries sector bago pa man mapinsala.

Aniya, kung tutuusin ay hindi gaanon kalaki ang nasalanta sa farming at mas maraming naapektuhan sa mga gulay at prutas.

Kasunod nito ay hinihikayat niya ang publiko na magtanim na rin ng mga prutas at gulay sa likod bahay upang may sarili na silang supply mula sa kanilang mga tahanan kapag ganitong bagyuhan. 

Pinapayuhan din niya ang mga magsasaka na kung maari ay Disyembre o Enero pa lamang ay magsipagtanim na upang bago pa dumating ang panahon ng bagyuhan ay maka-dalawang ani na ang mga ito.

Masaya naman daw kahit papaano ang mga magsasaka sa ibibigay na tulong ng DA sa mga ito.

Aanihin na sana ng mga magsasaka ang tanim na mga palay ngunit dumating pa ang bagyong Ulysses at napinsala ito.

Dahil nababad sa tubig ang mga palay ay malaking lugi ang mga magsasaka na bumagsak sa15 porsiyentohanggang 20 porsiyento na lamang ang aanihin.

Sa gitna ng mga ito ay wala naman aniyang dapat na ipangamba ang publiko at tiniyak ni Dar na maraming stock ng bigas ang pamahalaan na tatagal ng 90 araw.

Nangako dinang kalihim na magbibigay sa Bulacan ng P95-million halaga ng mga binhi habang sa fertilizers naman ay magbibigay ng halagang P81.36 millionbilang tulong sa mga magsasaka.

Binanggit din niya na may ikakasa na ayuda ang pamahalaan para sa non-rice farmers na P5,000 tulad ng coconut farmers, corn, sugarcane, vegetables farmers at fishermen sa buong bansa.

Gayundin sa rice farmers na bibigyan ng P5,000 bilang pamasko na galing sa excess tariff ng Rice Tarrification Law.

Ngunit nilinaw niya na ang mabibigyan lamang nito ay ang mga magsasakang mayroong isang ektaryang lupain pababa na sinasaka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here