MAYNILA – Ang kawalan ng napaparusahan o impunity ay hindi lamang sa Pilipinas namamayagpag, kung hindi maging sa mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Ngunit sa kabila ng pamamayagpag ng impunity sa mga bansa sa rehiyon tulad ng Thailand, Cambodia, Sri Lanka, Indonesia at Malaysia, ang Pilipinas naman ang itinuturing na may pinakamataas na bilang ng mga mamamahayag na pinaslang.
Gayunpaman, nangingibabaw ang bentahe ng bansa sa larangan ng pagtugon sa impunity dahil sa ito ang unang bansa sa rehiyon na nakabuo ng mga pamamaraan sa pag-uulat at pagiimbestiga sa pamamaslang sa mga mamamahayag na tinampukan ng Maguindanao massacre na ang unang taong anibersaryo ay ginunita noong Martes, Nobyembre 23.
Ayon kay Kavi Chongkittavorn, tagapangulo ng Southeast Asian Press Alliance (Seapa) na nakabase sa Bangkok, Thailand, halos lahat ng bansa sa Timog Silangang Asya ay nakakaranas ng impunity.
“We have the same in Thailand, but the Philippines has the number, though we share the same qualities,” ani Chongkittavorn sa panayam ng Punto noong Martes sa Manila Hotel kung saan ay isinagawa ang Journalism Asia Forum na nilahukan ng mga mamamahayag sa rehiyon.
Inihalimbawa ni Chongkittavorn ang karanasan ng Thailand ng magkaroon ng rebolusyon laban kay dating Prime Minister Thaksin Shinawathrana na tinampukan ng deklarasyon ng state of emergency.
Sinabi niya na umabot sa 90 Thai ang namatay at may 1,000 ang nasugatan, ang ilan ay nabalda dahil sa karahasang bunga ng nasabing rebolusyon.
Inayunan din ito ni Anucha Charoenpoh ng Thai Journalist Alliance (TJA) na nagsabing kahit isang suspek ay walang nakasuhan at nahatulan sa nasabing karahasan.
Ipinaliwanag pa ni Charoenpoh na ang deklarasyon ng state of emergency sa Thailand ay katumbas ng promosyon o pagpapasigla sa culture of impunity dahil binigyang kapangyarihan nito ang pulisya na magsagawa ng phone tapping, gumamit ng mga sensor at umaresto ng tao kahit walang warrant.
Binigyang diin naman ni Chongkittavorn na ang impunity ay walang pinipiling biktima.
Sinabi niya na ito ay nangyayari sa lahat ng tao at hindi sa mga mamamahayag lamang, katulad ng karanasan ng Pilipinas.
“The difference is that in the Philippines, impunity is highlighted by killing of journalists, in Thailand, we include killing of ordinary citizens,” aniya.
Binanggit din ni Chongkittavorn ang ilang pagkakatulad ng Pilipinas at Thailand sa laranganan ng pamamasalang sa mga mamamahayag.
Katulad sa Pilipinas, ang karaniwang mamamahayag na pinaslang sa Thailand ay nagmula sa mg lalawigan.
Bukod dito, ang mamamahayag na pinaslang sa dalawang bansa ay karaniwang nagsusulat sa pahayagan, kumpara sa mga broadcaster sa radyo at telebisyon.
Batay sa mga tala na ipinagkaloob ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) at Freedom Fund For Filipino Journalists (FFFJ), umaabot na sa 175 mamamahayag at media ang pinaslang sa bansa mula noong 1986, kung kailan nagbalik ang demokrasya sa Pilipinas matapos na isailalim ang bansa sa mahigit 20 taon ng batas militar.
Ayon pa sa CMFR, umaabot sa 118 sa kabuuang bilang ng pinaslang na mamamahayag sa bansa ang nasa kategoryang “killed in the line of duty”, at 79 dito ang pinaslang sa loob ng siyam na taon ng Administrasyong Arroyo na nagmula noong Enero 2001 at natapos nitong Hunyo 2010.
Batay sa tala ng CMFR, 49 sa 118 mamamahayag sa bansa na pinsalang dahil sa kanilang trabaho mula 1986 ay nagsusulat sa mga pahayagan.
Ang bilang na ito ay higit na mataas sa 45 bilang ng mamamahayag sa radyo sa bansa na pinaslang sa katulad na panahon.
Ayon kay Melinda Quintos-De Jesus, ang executive director ng CMFR, bago maganap ang Maguindanao massacre noong nakaraang taon, mas maraming mamamahayag sa radyo ang napaslang kumpara sa mga mamamahayag sa mga dyaryo.
Isa sa mga dahilan kung bakit mas mataas ang bilang ng mamamahayag sa radyo ang napaslang ay dahil na rin sa karamihan sa biktima ng Maguindanao massacre ay nagsusulat sa mga dyaryo.
Hinggil naman sa bentahe ng Pilipinas sa pagtugon ng usapin ng impunity, sinabi ni Quintos-De Jesus na mula pa noong 1991 ay nakapagsimula na ang CMFR sa programa sa pagbuo ng data base ng mga pinaslang na mga mamamahayag sa bansa.
Sinabi niya na sinundan pa nila ito ng mga pagsasanay sa mga mamamahayag upang mag-ulat ng mga pagbabanta at pagpaslang sa mga mamamahayag.
Gayunpaman, sinabi niya na hindi sapat na iuulat lamang ng mga mamamahayag ang pammaslang sa kanilang kapwa mamamahayag.
Sa halip, sinabi niya na kailangan ding tutukan ng mga mamamahayag ang pagdinig sa kaso ng pinaslang na mga mamamahayag upang matiyak na makakamit ang katarungan.