Home Headlines Pinakamataas sa Bataan: 42 bagong kaso ng Covid nitong Lunes

Pinakamataas sa Bataan: 42 bagong kaso ng Covid nitong Lunes

617
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA Naitala ngayong Lunes ang 42 bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan na ayon kay Gov. Albert Garcia ay pinakamarami sa isang araw simula nang magkaroon ng pandemya sa lalawigan.

Sinabi ni Dr. Rosanna Buccahan, chief ng provincial health office, na nalampasan nito ang na nai-record na29 kaso noong ika-29 ng Hulyo, 2020.

Dahil sa dami ng nadagdag, mabilis na umakyat sa 702 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid19 sa Bataan, sabi ng governor.

Sa 42 bagong kaso, pinakamarami ang mula sa Mariveles na nagtala ng 32, dahilan upang mag-deklara ng modified lockdown si Mayor Jocelyn Castaneda sa mga barangay San Carlos at Poblacion mula Linggo ng madaling-araw hanggang Martes ng madaling-araw.

Nag-deklara rin ng lockdown ang Freeport Area of Bataan (FAB) sa ilang kumpanya at naglunsad ng disinfection, contact tracing, at patuloy na paalaala tungkol sa mga safety protocol.

Sinabi ni Hazel Keith Ellorin, FAB information officer, na nagsagawa sila ng malawakang test kung saan 28 manggagawa ang nasuring positive sa virus.

Hindi pa masagot ni Ellorin kung ilang pabrika ang naka-lockdown at ilang manggagawa ang apektado nito. Nang wala pa ang Covid19, may 100 multi-national firms sa Mariveles freeport na umaabot sa 40,000 ang mga manggagawa.

Bukod sa 32 bagong kaso na mula sa Mariveles, ang iba pa ay anim mula sa Balanga City, tig-iisa sa Samal, Dinalupihan, Pilar, at Limay,

Samantala, bahagyang umusad ang bilang ng mga nakarekober sa mapanganib na virus. Umabot na  sa 443 ang nakarekober matapos may limang bagong gumaling na pawang mula sa Balanga City, kabilang ang isang babaing health worker.

Ang bilang ng aktibong kaso ay tumaas sa 243 habang nananatili sa 16 ang nasawi.

Sinabi ng PHO na 10,749 ang nagnegatibo na at 105 ang naghihintay ng resulta mula sa 11,556 na sumailalim sa Covid19 test.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here