Tinaguriang Provincial Achievement Day ang aktibidad, sabi ni Imelda Inieto, provincial agriculturist.
Ang mga prutas at gulay na pinakamalaki sa bawat bayan ay kalahok sa “Pinaka” contest.
May malaking ube na sabi ay hugis-multo raw. Malaki at mahaba ang kalahok na kamoteng kahoy o cassava. Saksakan ng laki ang Indian mango na hindi hihinalaing mangga. Halos isang metro ang haba ng sitaw.
Malalaki rin ang sili, upo, lemon, papaya, singkamas, saging kaimito, lettuce, okra, saging, kamatis, upong bilog at buko.
“Ani ang mga ito sa Bataan at itinuturing na pinakamalalaki sa kanilang lugar kaya inilahok sa ‘Pinaka’,” paliwanag ni Louie Rodis ng provincial agriculture office.
Maraming paninda sa agriaqua trade fair tulad ng iba-ibang gulay at prutas, processed food, isdang tinapa at tuyo, mga halamang bulaklakin at maraming iba pa.