Pinakamaagang Bikini Open sa 2009

    470
    0
    SHARE
    Malaking hamon ang naghihintay para sa mga finalist ng Bikini Open 2009 nitong 15 ng Enero na isasagawa sa nag-iisang  Superman Club ng  Malate ayon sa pamosong proprietor nito na si Robert Manalastas. Ginanap noong kapaskukhan ang semi-finals nito sa suporta ng mga close friend ni Robert tulad ng producer ng “Bangsamoro”   na si Tom Adrales at ang walang kupas na Ballroom Dancing Queen na si Aida Posadas na nagdala pa ng sariling singer na kaboses ni Didith Reyes para magbigay ng intermission number sa mga nagsigwapohan at oozing with sex appeal na mga  semi-finalist.

    Kabilang  sa mga hurado ay ang lifestyle writer ng Metro Magazine na si Donnie Ramirez, business magnate Joy Fong, CEO ng Mixed Nuts ng Burgos Makati na si Ruval Magpayo.   
     

    May dagdag na kakaiba at prestihiyosong  award ang Bikini Open ni Robert.  Ito ay ang “ Winstanely Morel Independent Actor Award” na igawad sa isang finalist na makikitaan ng potensyal sa pag-arte sa sining ng pelikula at entablado.

    Ang Morel Award ay sa kagandahang loob ng Filipino British international director at documentarist na si Joseph Winstanley Morel. Ang nasabing award ay advocacy project ni Director Morel para magkakaroon ng positibong pananaw ang mga Asyanong bansa sa mga taong positibo sa HIV.

    Direktor at scriptwriter si Morel sa documentary film feature na “hiStory HIV Positive Men with Positive Stories” na co-production ng bansang Indonesia, Nepal at Myanmar.  Ang prodyuser nito ay ang Asia Pacific Network Plus sa suporta ng Alliance United Kingdom at USAID.

    Ang Chairman ng Morel Award ay ang director at scriptwriter ng pelikulang “Bangsamoro” na si George Vail Kabristante. Katuwang ang managers cum in-house press agents ni Morel mismo at beteranong movie writers na sina Dennis Adobas at Boy Villasanta.

    Ang pipili ng winner sa nasabing kategoriya ay ang original organizer ng Aliw Awards, Inc. at society columnist na si Resty Vergara. Si Robert Manalastas ay kilala ng buong Metro Manila  bilang proprietor ng disenteng club para sa mga kliyente (gays o mga  babae man) na ang hangad ay ang  walang patid na  sosyalan sa mga refined at gwapong kalalakihan ng Supermen Club, J. Bocobo St. at isang pang katabing  wholesome bar-to-go  Fashionista Club na pag-aari rin ni   Robert.

    Siguradong maging matagumpay ang Bikini Open 2009 dahil  ipagdiwang din ni  Robert ang kanyang kaarawan sa nasabing okasyon.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here