Pinaka-malilinis na bayan at lungsod kinilala

    370
    0
    SHARE

    Nakangiting nagpakuha ng larawan ang mga opisyal ng Bulacan at mga bayang tinanghal na pinakamalilinis sa lalawigan matapos tanggapin ang pagkilala noong Lunes. Ang Cleanest town program ay bahagi ng kampanya ni Gob. Alvarado para sa kalinisan sa Bulacan. Kuha ni Dino Balabo

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa ikalawang pagkakataon, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Bantay Kalinisan Task Force (BKTF) ang mga bayan at lungsod na nagpahalaga at nakapagpatupad ng mga programa para sa kalinisan

    ng kapaligiran na ginanap kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium.

    Alinsunod sa direktiba ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, kinilala din ang mga lumahok at napiling runner up para sa pagkilala ngayong ikalawang quarter ng taon.

    “Ito ay isang paraan na rin upang lalong mahikayat ang lahat ng mga bayan at lungsod sa lalawigan na makibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan,” ani ng gobernador.

    Itinanghal na pinakamalilinis na bayan at lungsod ang Pulilan, Bustos, San Rafael at lungsod ng San Jose del Monte para sa una, ikalawa, ikatlo at ikaapat na distrito, ayon sa pagkakasunud-sunod.

    Mga runner up naman ang mga bayan ng Calumpit, Plaridel, Norzagaray at Sta. Maria. Nag-uwi ng P30,000 pinansyal na insentibo at plake ng pagkilala ang mga bayan na nagwagi ng unang gantimpala habang P20,000 naman ang tinanggap ng mga runner up na kinatawan ng kani-kanilang punong ehekutibo.

    Pinili ang mga nagsipagwagi ayon sa sumusunod na batayan:

    Responsiveness of their programs, (10%); Effectiveness which tackles the coverage of their program involving the awareness of the community, (10%); Participation of the community, (10%) at Result of the activity which encompasses the execution of plans and its impact to the community, (70%).

    Kabilang sa mga sinusuri ng BKTF ang mga daan, kanal, estero, palengke, restaurant, gasolinahan, parke at mga city o municipal hall.

    Binubuo ang BKTF ng mga kinatawan mula sa mga lokal at nasyonal na tanggapan kabilang ang Provincial Administrator’s Office, Bulacan Environment and Natural Resource Office, Provincial Public Health office, Provincial planning and Development Office, Provincial General Services Office, Provincial Legal Office, Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture and Tourism Office, Bulacan Police Office at DILG-Bulacan.

    Ang nasabing pagkilala ay isinakatuparan upang higit na mapalawig ang kampanya tungo sa isang maayos at malinis na kapaligiran, alinsunod sa Pambansang Kautusan Blg. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here