Home Headlines Pinagtabing Negosyo Center, BOSS binuksan sa San Ildefonso  

Pinagtabing Negosyo Center, BOSS binuksan sa San Ildefonso  

1028
0
SHARE

Bukas na ang Negosyo Center ng Department of Trade and Industry sa bayan ng San Ildefonso. (DTI Bulacan)


 

SAN ILDEFONSO, Bulacan — Sabay na binuksan sa San Ildefonso ang magkatabi nang mga tanggapan ng Negosyo Center ng Department of Trade and Industry o DTI at Business One Stop Shop o BOSS ng pamahalaang bayan.

Matatagpuan ito sa ikalawang palapag ng San Ildefonso Commercial Complex o SICC kung saan mayroon itong malaki at maaliwalas na espasyo.

Ang SICC ay ipinatayo, pinapatakbo at pag-aari ng pamahalaang bayan upang mapagkunan ng karagdagang pondo bukod sa nakokolektang buwis at Internal Revenue Allotment.

Sinabi DTI Provincial Director Edna Dizon na napapanahon ang pagbubukas ng Negosyo Center sa San Ildefonso, na pang-22 sa Bulacan, ngayong bagong lipat ang BOSS ng pamahalaang bayan.

Naaayon aniya ito sa mga repormang pang-ekonomiya sa bisa ng Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.

Naglalayon ito na mas pabilisin ang lahat ng mga sistema sa pamahalaan partikular na ang may kaugnayan sa hanapbuhay.

Sinabi ni Mayor Carla Galvez-Tan na target ng pamahalaang bayan na lalo pang mapabilis ang mga proseso sa pagkuha ng bago o renewal ng mga business permits sa pagbubukas ng BOSS.

Sa ngayon, nasa isa hanggang dalawang araw ang proseso sa  bagong business permit at isang araw kung renewal.

Sa pagbubukas ng Negosyo Center kasabay ng BOSS, kung saan kumukuha naman ng mga business names sa DTI, tinatarget na mapabilis pa sa isang araw ang naturang mga proseso.

Maari ring dito gawin ang mga serbisyong may kinalaman sa business advisory gaya ng mga nais makahiram sa Small Business Corporation ng DTI ng karagdagang puhunan, kasanayan para mapalawak ang merkado at maitaas ang antas ng kalidad ng isang produkto. (CLJD/SFV-PIA 3)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here