Kasama ng mga mangingisda ang isang team ng PNP Maritime Group sa [ag-rescue sa mga sakay ng bum,agsak na eroplano. Larawang kuha ng PNP Maritime Group
IBA, Zambales – Ligtas ang piloto at anim na student pilots na sakay ng eroplanong bumagsak sa baybayin ng Purok 3, Barangay Bangantalinga sa bayang ito 6:50 ng umaga Marso 17.
Sa inisyal na ulat kay Zambales police director Col. Fitz A. Macariola, mula sa isang panayam sa isang radio station, sinabi nito na isang RPC 5230 aircraft na kalilipad pa lamang mula sa Iba Airport nang magkaroon ito ng “brakedown engine” at hindi na nakayanang ibalik pa kung kaya bumagsak ito sa dagat.
Dagdag pa niya na pabalik na sa Subic Freeport ang mga sakay ng eroplano matapos mag-overnight sa Iba Airport nang maganap ang aksidente.
Sa ulat ng Iba Municipal Police Station, kinilala ang mga sakay ng eroplano na sina pilot in-command Capt. Mel Bidayan, at Captains Florencio Ruiz, Jamel Reamon, Albrench Sagario, Camilita Bidayan, Ian Vincent Agdamag, Robin Austria.
Ang mga sakay ng eroplano ay kaagad na dinala sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital ng ibat-ibang rescue team at naiulat na nasa mabuti nang kalagayan.