Home Headlines Pila ng botante umabot hanggang kalsada

Pila ng botante umabot hanggang kalsada

753
0
SHARE

Umabot sa kalsada ang pila ng mga boboto. Kuha nio Rommel Ramos


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Hanggang kalsada na ang pila ng mga boboto sa Barangay Panasahan Elementary School ngayong umaga.

Ito ay dahil kinokontrol ng board of election officers ang pumapasok na botante sa loob ng pasilidad bilang safety protocol kontra Covid-19.

May nakabantay sa gate ng eskwelahan at paunti-unti lang ang pinapapasok at kinukuhanan agad ang mga ito ng temperatura.

Dahil hanggang kalsada na ang pila maging ang voter’s assistance desk ng isang volunteer group ay ipinoste na rin sa gilid ng kalsada.

Ayon kay Richard Santiago, board of election supervisor, nililimitahan nila ang pagpasok ng mga boboto para maiwasan ang hawahan ng Covid-19.

Sa katunayan ay nasa walo hanggang sampu lang ang bilang ng mga boboto na pinapayagan sa loob ng presinto.

Sa ngayon ay wala pa naman aniyang namomonitor na botante na may sintomas ng Covid-19.

Dahil dito ay nananawagan siya sa mga botante na habaan ang pasensya at iwasan na magsabay-sabay sa pagpunta sa mga presinto.

Nitong hapon na humupa ang pila ng mga botante sa nasabing polling area.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here