‘Piggery’ sa Porac, kasuhan na dapat

    448
    0
    SHARE

    Kung walang protektor o sinasandalan
    Ang mga may-ari ng malaking ‘hog farms’
    Na patuloy pa rin ang ‘operation’ niyan
    Sa kabila ng matinding karaingan

    Nitong apektado sa masamang amoy
    Na tiyakang sanhi ng dumi ng baboy;
    Ano ang posibleng nasa likod nitong
    Pamamayagpag niyan magpa-hanggang ngayon?

    At papano sila nakapag-‘operate’
    Ng walang anuman yatang ‘certificate’
    Na inisyu itong ating ‘Bureau of Health’
    Partikular ang ‘Environment Management?’

    Kataka-taka rin namang masasabi
    Kung bakit ang mga naturang ‘piggery’
    Ay naitayo ng walang ‘permit’ pati
    Base sa pahayag yata ng Alkalde?

    Kung saan inabot na ng ilang taon
    Ang problema hinggil sa mabahong amoy
    Ay di kumilos ang ‘Office of the Mayor’
    O ang alin man yatang tanggapan noon?

    Kaya nga sa puntong yan kung tutuusin
    Ay kwenta minana lang ni Mayor Carling
    At ng kanyang Bise itong suliranin
    Na noon pa dapat nabigyan ng pansin?

    Pero ngayong di na lingid sa tanggapan
    Ng bagong Mayor at Sangguniang Bayan
    Ang problemang dapat nilang solusyonan,
    Di ba’t marapat lang na magsikilos yan?

    Upang ipatigil ang pamemerwisyo
    Ng mga ‘hog farms’ na lubhang delikado
    Sa kalusugan ng nakatira rito
    Na di kalayuan sa ‘piggeries’ na ito.

    At sa marami pang posibleng damay din
    Sa matinding amoy ng mga nasabing
    ‘Piggeries’ na aywan kung kasosyo na rin
    Ang ilang lokal na opisyales natin

    Kung kaya iligal man ang ‘operation’
    Ng mga yan ay di nila kinukwestyon;
    Sukdang isugal ang kalusugan nitong
    Mga mamamayang apektado roon?

    O ‘untouchables’ ang mga may-ari niyan
    Kaya’t si Gob man ang tuwirang makialam
    Ay tila kampante pa rin ang mga yan
    Kahit sampahan ng kaso kung kailangan.

    At kung saan pati iba’t-ibang sektor
    Ay suportado rin, gaya nga po nitong
    PGKM at Kilusang Kontra Amoy,
    Upang humupa ang namumuong tension

    Sa pagitan nitong mga residente
    At ‘operators’ ng naturang ‘piggery,’
    Na aywan kung bakit liban sa Alkalde
    Ay wala rin yatang gumagawa pati

    Ng mabisang aksyon upang matuldukan
    Ang problema’t matagal ng karaingan
    Nitong apektadong mga mamamayan
    Sa napakabahong amoy ng mga yan.

    Nang di humantong sa higit na mahirap
    Lutasin ang isang problemang di hamak
    Madaling gamutin sa mangandang usap,
    Kaysa idaan sa patayo at dahas!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here