IBA, Zambales — Humingi ng paumanhin nitong Biyernes ang Zambales provincial health office at Candelaria municipal health office sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ng Covid-19 patient makaraan silang maglabas ng maling pahayag ukol sa katayuan ng 16-anyos na pasyente.
Batay sa nilagdaang pahayag ni MHO Dr. Genalyn E. Acutin, humihingi sila ng paumanhin at pangunawa sa pamilya ng pasyente dahil sa pagkakaroon ng miscommunication at miscoordination sa pagpasa ng report sa Zambales PHO.
Hindi sinabi sa pahayag kung ano ang pinagugatan ng miscommunication. Ang tanging nakasaad ay ang pasyente bilang ZAM 036 ay kasalukuyan pang naka-admit at patuloy na ginagamot sa sa Allied Care Experts Medical Center-Baypointe.
Hiniling din ng MHO ang patuloy na pagdarasal tungosa pagbuti ng kalagayan ng pasyente.
Inako naman ni provincial health officer Dr. Noel Bueno ang pagkakamali at lubos na nagpapasalamat ito sa pamilya ng pasyente sa kanilang malawak na pang–unawa at malugod na pagtanggap ng pamilya sa kanilang paumanhin.
Tiniyak Bueno na hindi muli mauulit ang pangyayaring ito.