Philip Salvador naaawa kay Kris Aquino

    356
    0
    SHARE
    Touchy si Philip Salvador kapag ang topic ng usapan ay si Kris Aquino at ang anak niyang si Joshua, kaya nga sa mga panahong ito kapag tinatanong siya, nagbe-beg off siya. Nang interview-hin siya ni Inay Cristy Fermin sa edition ng Paparazzi noong Sunday, he obliged, pero nakiusap siyang ‘wag na lang ‘yung tungkol kay Joshua. “Balato na lang sa akin, ‘wag na ‘yan, iba na lang,” malungkot na pakiusap pa niya.

    But of course, every now and then, nakakasundot pa rin si Inay at talaga naming napasasagot niya si Joshua.

    Ano ang nami-miss mo kay Joshua?

    “Yung ‘pag nagkikita kami, niyayakap niya ako nang mahigpit. I loved that, ngayon nga ang laki na niya. The last time, niyakap niya ako, talagang nawala ako, kasi ang laki na niya,” sabi pa ni Philip.

    Hindi rin ipinagkaila ni Philip ‘yung paghanga niya kay Kris who according to him is a perfect mother. “Ang galling niya, napalaki niya nang ganoon kabuting bata ang anak ko, I owe it to her, siya lang ang puwedeng makagawa ng ganoon,” sabi pa nito.

    Tungkol naman sa hiwalayang Kris at James, di rin nakaiwas si Philip sa tanong. Sinabi nitong wala talaga siyang hint anuman about it. Whatever it is, nalulungkot daw siya para kay Kris. Naaawa raw ito dahil nga ang lungkot ng love story nina James at Kris. “Naaawa ako kay Kris. She deserves to be happy. Sana maayos pa nila’ng mga bagay-bagay.

    Ayaw daw niyang mag-comment kay James. “I don’t know him, di ko siya talaga kilala kaya wala akong puwedeng sabihin sa kanya. Kay Kris marami, I know her too well, alam ko kung ano ang makapagpapasaya sa kanya, alam ko rin kung ano ang makapagpapalungkot sa kanya. Kaya naaawa nga ako, sana lumigaya si Kris, she deserves that, mabuti siyang ina.”

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here