Home Headlines PhilHealth YAKAP at GAMOT inilunsad sa Bataan

PhilHealth YAKAP at GAMOT inilunsad sa Bataan

696
0
SHARE
๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—กโ€“ Inilunsad ni PhilHealth Acting Vice President Henry V. Almanon ang PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) at GAMOT (Guaranteed Accessible Medications for Outpatient Treatment) kasama ang 300 na mga partners mula sa YAKAP clinics at pharmacies na ginanap sa Crown Royale Hotel, Balanga City, Bataan, noong ika-15 ng Setyembre, 2025.
Layunin ng PhilHealth na paigtingin at palawakin ang mga benepisyo at serbisyo ng YAKAP tulad ng check-up, health screening, laboratoryo, cancer screening, at mga gamot sa lalawigan. Iginawad nina Acting Branch Manager Dr. Rowena S. Zabat San Mateo at PhilHealth Bataan Head Edmond M. Manuel ang pagkilala sa lahat ng YAKAP clinics gayundin ang mga may Cancer screening services tulad ng:
1. Mt. Samat Medical Center Inc.
2. Bataan General Hospital and Medical Center
3. Bataan General Hospital and Medical Center – BUCAS Center
4. Balanga Medical Center Corporation
5. Orion St. Michael Hospital Inc.
6. Bataan St. Joseph Hospital and Medical Center Corp.
7. Mariveles Mental Wellness and General Hospital
8. Bataan Peninsula
9. Isaac and Catalina Medical Center Inc.
Aktibo ding nakilahok ang higit sa 40 pharmacies sa talakayan upang maging PhilHealth GAMOT facilities sa susunod na mga buwan. Sa ilalim ng YAKAP, mayroong 21 libreng gamot sa YAKAP clinic, at 54 na gamot na maaaring makuha sa mga GAMOT pharmacies. May Php20,000 na gamot kada taon ang bawat miyembro ng PhilHealth, na maaaring makuha ng libre sa mga GAMOT pharmacies.
Maglalabas ang PhilHealth Region III ng listahan ng mga GAMOT pharmacies sa mga susunod na araw.
(Ulat ni Monifer S. Bansil, Head ng Public Affairs Unit)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here